Loading...

Follow theAsianparent.com Philippines » Toddler Blog on Feedspot

Continue with Google
Continue with Facebook
or

Valid

Sa puntong ito, mapapagtanto niyong ang buwang ito ay puno ng mga pagbabago, hindi lamang para sa inyong halos tatlong-taong-gulang na anak, kundi pati na rin sa inyo. Sa pag-alam ng mga mahahalagang milestones sa 34 buwan development ng bata, mas mapaghahandaan nang matiwasay ang pagdating ng edad na ito.

Bago natin suriin ang edad na ito, ilang tips muna: Maaari nang i-enroll ang inyong anak sa isang play-school at simulan na siyang dalhin sa dentista. Isa sa 34 buwan development ng iyong anak ay ang paglabas ng lahat ng kanyang ngipin, kaya naman importante ang madalas na pagse-sepilyo.

33 Buwan Development at Paglaki: Nakakasubaybay ba ang Iyong Anak? Pisikal na paglaki

Para sa 34 buwan development ng iyong anak, kaya na niyang tumalon, tumakbo, bumalanse, pumadyak ng bisikleta at umakyat ng hagdan nang hindi nahuhulog. Malaking ginhawang hindi na siya nakikitang nagpapasa, hindi ba?

Ang kanyang hand and eye coordination ay magi-improve, habang ang kanyang flexibility naman ay unti-unting nawawala. Karaniwang kinalalakihan ng mga batang lalaki ang 53% ng kanyang magiging laki sa hinaharap, samantalang ang mga batang babae namay ay kalalakihan ang 57% nito.

Mga Gawain Para Mapabuti Ang Pisikal na Paglaki

Upang mapabuti ang 34 buwan development ng iyong anak, makabubuting hikayatin siyang mag-ehersisyo upang hindi tuluyang mawala ang kanyang flexibility. Makatutulong din ang ibang mga physical activity tulad ng pagbibisikleta, football, pagsasayaw at paglalangoy.

Kailan dapat komunsulta sa doktor

Kung ang inyong anak ay hindi pa nakaka-akyat ng hagdan, nakakatalon, nakakatakbo o nakakapag-pulot ng mga bagay-bagay nang hindi nahuhulog, makabubuting komunsulta sa doktor sa lalong madaling panahon.

Kakayahang Sosyal at Emosyonal

Sa 34 buwan development ng iyong anak, mas madalas na siyang makikisalamuha kumpara noong mga nakaraang buwan. Alam na rin niya sa puntong ito ang kanyang mga gusto at mga hindi gusto. Pero sa panahon ding ito nade-develop ang empathy. Magiging natural sa kanya ang pakikiramay sa ibang tao sa panahon ng kalungkutan, minsan higit pa sa iyong inaakala.

Habang nade-develop ang kanyang imahinasyon, mas magiging matatakutin din siya. Maaaring nakakatawa ang kanyang mga mumunting takot, pero hangga’t maaari ay huwag itong tawanan. Habang ikaw ay bumibigay sa kanyang mga tantrums, lalo niya itong ipapakita.

Para sa inyong anak, halos lahat ng bagay ay masyadong malaki at hindi mapigilan, at lalo lamang lumalala ang takot ng iyong anak dahil dito. Maging mapag-pasensya, assertive at empathetic sa mga takot niya, at iparamdam sa kanya na lagi kang nariyan para protektahan siya, anuman ang mangyari.

Ang pagturo sa kanya kung paano ipahayag ang kanilang mga damdamin — pati na ang pagpapahiram ng kanilang mga paboritong laruan — ay magandang ideya sa panahong ito. Magiging mas bukas sila sa ganitong ideya kaysa sa iyong inaakala.

Sa ganitong panahon din niya nadidiskubre ang sarili niyang pagkatao habang pilit na na ginagaya ang mga nakatatanda sa bahay. Kaya naman mag-ingat sa mga binibitiwang mga salita at mga ikinikilos sa harap ng iyong anak. Maaari niyang gayahin ang mga ito at gawin sa labas ng bahay.

Mga Gawain Para Mapabuti Ang Kakayahang Sosyal at Emosyonal

Habang lumalapit ang ikatlong kaarawan ng iyong anak, isama na rin siya sa mga gawaing bahay tulad ng paglilinis. Hindi lamang nito made-develop ang kanyang sense of discipline, matututo din siyang maging responsable.

Mahalaga din sa puntong ito ang pagturo sa kanya ng kagandahang-asal at sariling kultura, kaya ang pagpunta sa iba’t ibang mga historic at cultural sites ay makatutulong upang ma-develop ang mga ito.

Kailan dapat komunsulta sa doktor

Sa puntong ito dapat kahiligan na ng iyong anak ang paglalaro sa labas kasama ang ibang mga bata. Kung hindi ganito ang iyong anak, makabubuting komunsulta na sa doktor.

Development sa Pananalita

Kaakibat ng 34 buwan development ng isang bata ay ang malaking pagbabago sa kanyang pananalita. Sa puntong ito, maaari na siyang hikayating maging bilingual o ang matuto ng higit pa sa isang wika.

Makikita mong madalas na rin siyang magsalita nang buong pangungusap. Mage-enjoy din siyang kumanta ng mga kantang pambata at nursery rhyme nang halos walang tigil.

Mga Gawain Para Mapabuti Ang Kakayahang Sosyal at Emosyonal

Para sa 34 buwan development ng pananalita ng iyong anak, may dalawang paraan upang matuto siya ng higit sa isang wika at maipahayag niya ang kanyang sarili.

Una ay ang pagpapakilala sa kanya sa ibang tao na nakakasalita ng ibang wika. Ang pangalawa ay ang mga video — kapag gusto niyang manood ng mga video online, ipapanood sa kanya ang mga video na nasa ibang lenggwahe.

Kailan dapat komunsulta sa doktor

Kung ang iyong anak ay sumesenyas imbes na nagsasalita, at hirap pa rin siyang ipahayag ang kanyang sarili, makabubuting komunsulta na sa doktor.

Kalusugan at nutrisyon

Para sa 34 buwan development ng iyong anak, ang tangkad niya ay naglalaro sa pagitan ng 87.5 hanggang 102 sentimetro, habang ang kanyang timbang ay naglalaro sa pagitan ng 11 hanggang 17.8 kilo.

Kung hindi pa siya nababakunahan para sa trangkaso, makabubuting pabakunahan na siya sa panahong ito.

Liban sa hand, foot and mouth disease na isa sa mga pinaka-karaniwang sakit na makukuha ng iyong anak habang nasa daycare o play school, ang sipon, ubo, lagnat, sakit sa lalamunan, krup at bulutong ay maaaring makuha ng iyong anak sa panahong ito.

Magiging mas independent na ang iyong anak sa panahong ito at hihingin na rin niya ang kanyang mga gusto sa hapag-kainan. Hikayatin siyang gumamit ng kutsara’t tinidor. Magandang ideya rin ang pagkain nang sama-sama bilang isang pamilya.

Isa sa mga 34 buwan development ng iyong anak ay ang kakayahan niyang kumain, pero kailangan pa rin niya ng iba’t ibang uri ng pagkain kahit paunti-unti. Maaari siyang bigyan ng isang hiwa ng tinapay o toast, dalawa hanggang limang kutsara ng kanin o pasta, lima hanggang walong kutsara ng lugaw, o isa hanggang apat na kutsara ng dinurog na patatas.

Pagdating sa gulay at prutas, ang isang tasa ng pinaghalong gulay na tumitimbang ng 100 hanggang 200 na gramo ay sapat na. Huwag siyang pakainin ng sobrang matamis o maalat na pagkain.

Para naman sa protina, pakainin siya ng isa hanggang dalawang kutsarita ng hummus o garbansos, isang buong itlog, isang kutsarita ng isda, isang medium-size na sausage, o isang maliit na hiwa ng karne. Basahin dito ang iba pang detalye.

Huwag ding panghinaan ng loob kung may pagkakataong ayaw kumain ng ibang pagkain o ng prutas at gulay ang iyong anak. Kapag ginawang mas exciting ang pagkain ng gulay at karne para sa kanya, mas magugustuhan niya ang pagkain nito.

Made-develop din sa puntong ito ang matinding pagkagusto para sa isang klase ng pagkain, at kailangang igalang ang mga gusto niyang ito, pero siguraduhin pa rin na balanse ang kanyang kinakain. Basahin ang iba pang mga tips dito.

Kailan dapat komunsulta sa doktor

Kung ayaw kumain ng iyong anak, gusto lang ng gatas o sinusuka lang ang kanyang kinakain, makabubuting komunsulta na sa doktor.

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ Alonzo-Cruz

Ang nakaraang buwan ng iyong anak: 33 buwan

Ang susunod na buwan ng iyong anak: 35 buwan

The post Development at paglaki ng bata sa kanyang ika-2 taon at 10 buwan appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Read Full Article
  • Show original
  • .
  • Share
  • .
  • Favorite
  • .
  • Email
  • .
  • Add Tags 

Malapit nang matapos ang terrible twos, isang buwan na lang at ang iyong anak ay magdidiwang na ng kanyang ikatlong kaarawan. May plano ka na ba Mommy?

Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang maliit pa ang iyong anak ngunit ngayon ikaw ay nagpa-plano na para sa kanyang nalalapit na kaarawan. Dumaan ang mga araw kung saan tahimik lang siyang nakaupo sa stroller. Ngayon masaya siyang tumatakbo paroo’t parito sa karamihan na may ngiti, pagtataka at kagalakan.

Wala siyang kapaguran! Sa pagtatapos ng terrible twos, ano ang iyong inaasahan pagdating sa 35 buwan development milestone ng iyong anak.

May pagbabago kaya sa kanyang kakahayan? Ating alamin!

*Tandaan na ang development at paglaki ng bata ay magkakaiba. Kung may agam-agam tungkol sa paglaki ng iyong anak, huwag mag-atubiling komunsulta sa doktor.

35 Buwan Development at Paglaki: Nakakasubaybay ba ang Iyong Anak? Pisikal na Paglaki

Naaalala mo pa ba ang mga panahong nagsisimula pa lang maglakad ang iyong anak? Sa maikling panahon, ang paggapang sa hagdan hanggang matutunan niyang maglakad paakyat sa kanyang dalawang paa at makakababa ng mag-isa ay kamangha-mangha.

Makikitaan din ng malaking pagbabago sa kanyang kakayahang umakyat at pagtakbo lalo na sa panahong ito kung saan may kaluwasan na ang kanyang mga galaw.

Sa 35 buwan development ang paglalakad gamit ang isang balance beam ay hindi delikado mga Mommies, maaari ka niyang talunin sa larong ito gamit lamang ang isang paa! Pagsalo ng bola? Walang problema! Lalo na kung ito ay magaan at malaki.

Kapansin-pansin rin ang pagbaba ng bilang ng kanyang aksidente sa banyo, magandang senyales dahil unti-unti na siyang natututong magbanyo.

Kasabay ng paglaki ng iyong anak ang pagliban nito sa pagtulog sa hapon. Kakailanganin mo nang baguhin ang iyong iskedyul Mommy para hindi ka na mahirapan pa.

Sa pagtuntong ng iyong anak sa kanyang ika 35 buwan development, huwag kalimutang siya ay gabayan at paalalahanan sa paglalaro lalong-lalo na sa pag-akyat baba sa hagdanan.

Ang mga bata ay walang konsepto ng panganib kaya naman palagi silang paaalahanan sa kahalagahan ng kanilang siguridad at nangangailangan ito ng matiyagang pagpapaliwanag. Bantayan silang mabuti at tulungan sa kanilang mga bitbit na laruan upang tutok sila sa kanilang pagbaba sa hagdan.

Pagdating naman 35 buwan development ng kanyang motor skills, may kakayahan na siyang magbukas ng garapon at doorknobs. At ang paglalaro ng blocks ay madali na lang para sa kanya. Dahil lumalawak na ang kanyang kaalaman ang paglalaro ng structured games sa iba ay nakakabuti.

Maganda pa rin laruin ang puzzle ngunit ang mga laruang may panghikwat, pindutan at gumagalaw ay mas lalong pupukaw sa kanyang atensiyon.

Mga Gawaing Nakakatulong sa Pisikal na Paglaki ng Iyong Anak

  • Ngayong marunong nang sumalo ng bola ang iyong anak panahon na upang lumabas at maglaro. Ang paggamit ng beach ball ay safe at madaling saluhin. Mas malaya makakapaglaro ang iyong anak kapag nasa labas, at hindi mo alalahanin ang mga mababasag niya kung meron man.
  • Sa 35 buwan development, ang pagbabasa ay mahalaga. Hayaan ang iyong anak na kusang maglipat ng pahina kapag nagbabasa.
  • Ang simpleng paggawa ng art ay hindi lamang magandang ideya, nakakatulong din ito para sila ay maging malikhain.
  • Isang tip para mapakinabangan ang mga likha ng iyong anak ay gawin itong pambalot ng regalo. Bukod sa ikakatuwa niya ito nakakatulong pa sa kalikasan.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

  • Kung ang iyong anak ay nahihirapang mag-balanse sa pag-akyat at pagbaba ng hagdanan.
  • Hirap siyang maglaro kahit pa maliliit na bagay, ni hindi man lang siya makasalansan ng isang block.
  • Kung ang iyong anak ay nasa 35 buwan development na ngunit hirap pa rin siyang balansehin ang katawan o hindi makatayo gamit ang isang paa kahit ilang minuto.
  • Kung masyadong nang makulit ang iyong anak.

Pagsulong ng Kamalayan

Sa 35 buwan development, ang iyong anak ay nakakakilala na kulay, maaring meron na rin siyang paborito at kung nakakabilang na siya mula isa hanggang lima ito ay magandang senyales na sumusulong ng mabuti ang kanyang kaisipan.

Subukan mong huwag ikumpara ang kakayahan ng iyong anak sa iba. Tandaan na ang bawat bata ay magkakaiba at hindi masama kung nahuhuli siya sa ibang aspeto. Hayaan silang umunlad sa kanilang sariling sikap.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

  • Kung ang simpleng pag-bibilog ay hindi niya kayang kopyahin.
  • Sa edad nila, 35 buwan development, ay nakakaunawa na kahit isang simpleng tagubilin. Kung nahihirapan ang iyong anak sumunod kahit pa sa isang simpleng pangungusap, mabuting komunsulta sa doktor.
  • Ang ibang bata sa panahong ito ay nag-eenjoy sa mga laruan kung ang iyong anak ay nagpapakita ng walang interes sa paglalaro nito, dapat mo na itong ikonsulta sa doktor.

Kakayahang Sosyal at Emosyonal

Sa pagpasok ng 35 buwan development, ang iyong anak ay nag-uumpisa ng magpakita ng pakikiramay at pag-aalaga sa iba, kagaya nang pag-aliw o pagbibigay ng tulong sa kapwa niya bata na malungkot. Dagdag dito ang pagiging palakaibigan mapa-bata o matanda man. Mas mapagbigay siya ngayon at nakikipag-halili kapag naglalaro.

Tandaan na sa kanyang edad nakokopya niya anumang gawin o sabihin nang mas nakakatanda sa kanya. Kaya Mommy bantayan ang iyong sinasabi.

Ang ika 35 buwan development, nakakaunawa na ang iyong anak kung ano ang konsepto ng ako, sayo at kanya. (mine, his at hers sa Ingles)

Sa lahat ng pagbabago at nakakapukaw na emosyon, maari mong matulungan ang iyong anak sa pamamagitan ng kung paano niya i-manage ang kanyang emosyon. Ang pagbibigay ng naaangkop, malinaw at madaling intindihin na rason ay makakatulong rin sa iyong anak.

Mga Gawaing Nakakatulong sa Kakayahang Sosyal at Emosyonal ng Iyong Anak

  • Ipagpatuloy ang regular na ginagawa tulad ng paglalaro, ang pagbali sa nakasanayan ay makakagulo sa kanilang isip.
  • Huwag matakot kung minsan gusto mong mag-isa ang iyong anak, ito ay makakatulong sa kanyang pagsasarili.
  • Bigyan ng oras ang kanyang paglalaro katulad ng kunwa-kunwarian o pagtakbo-takbo sa paligid, ito ay nakakatulong upang siya ay matuto at lumaki.
  • Sa pagbabasa naman, ipakita sa iyong anak kung paano mo maiuugnay ang karakter sa libro sa tunay na buhay.
  • Kausapin at pakinggan ang iyong anak. Mainam na tanungin siya kung ano ang nangyari sa kanyang araw kasama ang mga kalaro at kung ano ang kanilang ginawa. Mabuti ito para ma-express niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na may kasamang emosyon.
  • Para naman lumawak ang imahinasyon ng iyong anak, ang paglalaro ng kunwa-kunwarian at pag-aayos ay magandang bonding para sa’yo at ng iyong anak.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

  • Ang batang nasa 35 buwan development ay kadalasang marunong ng makipagkapwa tao. Bagaman, ang ibang bata ay mas outgoing kaysa sa iba, at kung ang iyong anak ay mas gustong mapag-isa kaysa makipaglaro sa iba, senyales na ito na siya ay kakaiba.
  • Kung ang iyong anak ay hindi makatingin ng mata sa mata – kahit pa sa kanyang kapamilya – komunsulta na sa iyong doktor.
 

Development sa Pananalita

Bagama’t hindi lahat ng batang nasa 35 buwan development ang may kakayahan sa kanilang pananalita, may ilang bata din naman ang nakakasunod. Ang iyong anak sa panahong ito ay may alam ng 900 salita at gumagamit na nang pangngalan, pang-uri, panghalip atbp.

Pero ang kanyang pinaka-paboritong salita ay “bakit”. Kaya asahan ang kanyang pagiging makulit at matanong na magtatagal ng ilang taon.

Sa kanyang 35 buwan development maririnig mo na silang kumakanta nang mga nursery rhymes ng paulit-ulit. Halos 75% ng pananalita ng iyong anak ang iyong maririnig. Ang mga batang may problema sa kanilang pandinig at pananalita ay nangangailangan ng agarang therapy.

Mga Gawaing Nakakatulong sa Development sa Pagsasalita ng Iyong Anak

  • Suportahan ang iyong anak sa kanyang development sa pananalita sa pamamagitan ng matiyagang pagbabasa sa kanya araw-araw.
  • Ang simpleng pagkanta at paglalaro ng rhyming games ay isang magandang ideya para mapaunlad ang kanyang pagsasalita at kung paano niya bigkasin ang isang salita.
  • I-limit sa isang oras ang kanyang panonood ng telebisyon bagkus hikayatin siyang manood na lamang ng mga educational programme.
  • Halos ang ibang batang nasa 35 buwan development ay nakakapagsalita na nang isang pangungusap, gayon pa man hindi lahat gumagamit ng tamang grammar.
  • Palagi mong tatandaan Mommy, “patient is key”, kaya naman maging matiyaga sa pag sagot sa kanyang bawat tanong.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

  • Kung ang iyong anak ay nahihirapang magpaliwanag
  • Walang kakayahan o hindi makatingin nang mata sa mata.
  • Nahihirapang magsalita kahit isang maikling pangungusap o hindi makakilala ng parte ng katawan ng tao, hugis at sukat.

Kalusugan at Nutrisyon

Sa 35 buwan development, apektado ng lahi ang tangkad at timbang nang iyong anak, kadalasan sa edad nilang ito sila ay may tangkad na 88.1 hanggang 102.7 sentimetro at may timbang na 11.2 hanggang 18.1 kilo.

Pagdating naman sa pag-abot ng kanyang potensyal sa pisikal, emosyonal at mental, maari mo siyang matulungan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya nang tamang nutrisyon.

Sa nutrisyon, ang iyong anak ay dapat nakakakuha ng 1000 kilo ng calories kada araw (maari mong dagdagan hanggang 400 kilo ng calorie kung ang iyong anak ay sobrang bibo).

Kailangan din nang iyong anak ang tatlo hanggang limang onsa ng grains kada araw. Ang 1 ounce ay katumbas ng 1 slice ng tinapay, 1 tasa ng ready-to-eat-cereal, o kalahating tasa ng kanin, pasta o cereal.

Isa pang kailangan ng iyong anak ay ang pagkain ng gulay. Sa 35 buwan development, kailangan niya ang 1 hanggang 1 ½ tasa ng hilaw o lutong gulay kada araw.

Pagdating naman sa prutas, iwasan ang pagpapa-inom ng artificial juice (bukod sa sangkap nitong asukal, hindi rin sapat ang ibinibigay nitong fiber). Limitahan din sa kalahating baso (4-6 oz) ang pagpapa-inom ng fruit juice sa iyong anak. Tandaan, ang isang bata ay dapat nakakatanggap ng 1 hanggang 1 ½ tasa ng prutas kada araw.

Bilang siya ay nasa 35 buwan development, mahalaga ang pag-inom ng low-fat na gatas o pagkain ng fat-free na mantikilya. Siguraduhing nakaka-inom siya ng 2 hanggang 2 ½ tasa ng gatas para sa pagpapatibay nang kanyang buto.

Kailangan din niyang makakuha ng 2 hanggang 4 ounces ng protina para sa pagpapatibay ng kanyang mga kalamnan. Halimbawa ng mga pagkaing sagana sa protina ay itlog, karne, lamang dagat, soy, mani at mga beans.

Sipon ang madalas na sakit ang mararanasan nang iyong anak, imbes na umasa sa mga tabletas subukan ang mga alternatibong gamot katulad ng saline drops o spray upang maibsan ang pagbabara ng sipon at paggamit ng aspirator para matanggal ang extrang uhog. Sa loob ng 5-7 araw ay dapat magaling na ang iyong anak.

Ang gastroenteritis, hand- foot and mouth disease, fifth disease, bulate at lagnat ay ilan lamang sa mga sakit na maaring dumapo sa iyong anak — napakahalangang nabakunahan ang iyong anak laban sa mga sakit na ito.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

  • Kung ang pagsusuka at pagtatae ay tumagal ng ilang oras, maaring ma-dehydrate ang iyong anak, agarang pumunta sa doktor
  • Huwag mag-panic kung nililagnat ang iyong anak – hindi lahat ng lagnat ay masama sa bata, ibig sabihin lamang nito ay nilalabanan ng kanyang immunte sytem ang impeksyon. Pumunta sa doktor lalo na kung pumalo sa 40*C (104*F) ang temperatura ng iyong anak at may kasamang pamamantal, hirap sa paghinga, at pagsususka.
  • Mas makabubuting pumunta sa doktor lalo na kung ang sipon ng iyong anak ay nahihirapang huminga, pananakit ng tenga at tumagal nang mahigit isang linggo.
  • Komunsulta sa doktor kapag ang pamamantal ay may dalang hapdi o kirot at ang pantal ay sagad hanggang balat. At kung ang iyong anak ay nanghihina at hindi madala sa gamot.
  • Normal sa isang 35 buwan development na bata ang mawalan nang gana sa pagkain kapag sila ay may sakit. Ngunit pagdating ng dalwang araw at wala pa rin siyang gana kumain, mainam ng pumunta sa doktor.

Pagkatapos ng 35 buwan development ng iyong anak, handa ka na ba Mommy sa kanyang pagpasok sa isang bagong kabanata? Huwag magtampo, dahil mananatili ang iyong pagmamahal at pagtitiyaga ang susi sa kanyang pag-unlad.

Huwag ikagulat kung isang araw, ang iyong anak ay may ilang kaalaman binabahagi niya sa’yo.

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ Alonzo-Cruz

Source: WebMD

Ang nakaraang buwan ng iyong anak: 34 buwan

Ang susunod na buwan ng iyong anak: 36 buwan (3 taon)

The post Development at paglaki ng bata sa kaniyang ika-2 taon at 11 buwan appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Read Full Article
  • Show original
  • .
  • Share
  • .
  • Favorite
  • .
  • Email
  • .
  • Add Tags 

Remember the incredible moment of pride when your kid said their first word? This is a milestone every parent looks forward to.

Then your little baby starts chattering non-stop. Then they become toddlers – toddlers who have a clear idea of what they want and how they should go about achieving their objective.

As your child hits the three years or four years mark, inevitably, they’re going to start talking back, they’re going to argue and they’re going to giving you the craziest reasons why they should get what they want.

Here are five classic strategies and lines our toddlers have used on us.

1. The sad face with the teary eyes

Can you resist this sad face?

Image Credit

My girl’s favorite line to use on authority figures, especially the men is “But look at my sad face”. She usually couples it with enlarged teary eyes and a pensive set of her mouth. I have noticed boys don’t use this much. Girls seem to be born with this skill and they hone it with even more finesse as they grow and develop.

“Sad face” has so far gotten her chocolates, days off from school and late night television shows.

Success Rating: 8/10 on men, 4/10 on women

2. “X said I could.”

So every time I tell my toddler “no”, he nods his head and moves off….to the next authority figure. This is especially successful in large families living in a large space, where communication between the various individuals in the household might not be easily facilitated.

At some point, these sly little ones figure it’s just about knocking on the right door.

If I catch him doing whatever it was I had explicitly forbade him from doing, his defense would be “But…X (choose an over-indulgent adult who was present in the household at the time) said I could.”

Success Rating: 7/10 in large households with multiple adults (time to consider installing an intercom system in the house!)

3. “I’m so hungry”

Manytoddlers would go to great (sneaky) lengths to get her favorite snack!

This is usually said in the convenient vicinity of a snack store or an ice-cream parlor. And of course, they are starving so badly that they need to have something right there and then from the nearest store.

Usually accompanied by their pitifully compressing their not-so-small tummy with their chubby arms.

Success Rating: 2/10. Their eyes cutting eagerly towards their heart’s desire is a dead giveaway.

4. Threats

Over the top threats are one way some toddlers try to get their way

As kids grow older, they increasingly emulate the adults around them. One particularly interesting skill my nephew has picked up is the issuance of threats.  When someone doesn’t do something he wants, he threatens you with horrific Armageddon-like repercussions.

For instance, over the weekend my sister had a few meetings that she needed to go to. Feeling guilty about spending their family time working, she explained to her son that she would have to miss out on their family brunches that particular weekend. Understandably, he was upset.

Looking at her as she was heading out the door, he said with a fierce scowl on his face : “If you walk out, when you come back, I will not talk to you ever again. And I will hide all your shoes and throw away all your make up. I will put your computer in the toilet bowl! And, and, and, I will pull out all of Meimei’s teeth! (She had just sprouted two)”

Good grief.

Success Rating: 1/10. Too dramatic to be believable. More funny than anything else. Sorry kids.

5. “But I’m just a little child!”

This is the classic line that pops up every time we ask them to do something they are perfectly capable of doing but does not like doing.

Exhortations to do chores like picking up their toys or even eating independently are situations when this line will be invoked followed by an angry pout of their lips. Their outrage – How dare we torture a little child like their by asking them to do things they are obviously too little to accomplish by themselves, are palpable in their expression and ever-rising tone.

Never mind that they eat by themselves when they are hungry enough or when their favorite food is on the table. Somehow, magically, they become a poor little tot lost in the huge, mean world.

Success Rating: 3/10. Only for people with bleeding hearts.

Often, I get incredulous at the curveballs their developing minds throw us, and it’s a constant struggle to keep up with their increasingly creative solutions. Still racking my brain on how to counter the especially effective ones!

What other outrageous reasons has your kid given you for not doing something? Or maybe it was to get something he wanted. Share with us in the comments below!

Also read: Are you spoiling your kids without even knowing it?

Republished with permission from theAsianParent Singapore

The post 5 classic strategies your toddler will use to get their way appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Read Full Article
  • Show original
  • .
  • Share
  • .
  • Favorite
  • .
  • Email
  • .
  • Add Tags 

While we all live in a positive world and like to believe that nothing can happen to our precious little kids, a wise man once said that it’s better to be prepared than to be sorry. Autism spectrum disorder can be a tricky condition to diagnose in toddlers as many of the early signs of autism can be hard to spot. Let us first understand what autism is.

Autism is a neurological condition that typically shows its early signs in the first three years of a child’s life. A child with autism shows delay in development in three main areas, which are known as the triad of impairments [1,2]. They can be classified as

  • Verbal and non-verbal communication
  • Social interactions
  • Imagination

While every baby is special and achieves milestones at his or her own pace, a baby that does not turn by six months or one that does not walk by the age of two should be closely monitored for autism or other such medical conditions. Similarly some might have a problem with strangers touching them or in tolerating every day sounds.

We know it can be tough to handle, but early intervention and care can go a long way in getting the right treatment for your child and might even help him live a normal life.

5 early signs of autism in toddlers [1,2].

#1 Delayed milestones
Perhaps the earliest indicator of autism in a child is the delay in milestones. Infants as old as six months are able to smile, grasp a finger and even respond to voice. Children with autism, on the other hand, find it difficult to respond, babble and smile back to their mother and strangers.

#2 Not recognizing his name
A child with autism would not be able to respond to his name and would not look back when you call him out. Normally infants are able to respond to their names and might even start imitating their parents when they talk to them.

#3 Not making eye contact
Another early signs of autism in a baby is a lack of eye contact, which indicates delay in communication and comprehension.

#4 Delay in babbling & cooing
Babies with autism also fail to make baby talk and would be silent most of the times and would not make simple sounds such as babbling and cooing that infants start making after three to four months of age.

#5 Love for patterns/routine
Children with autism have a tendency to follow a routine and they get really upset if the pattern is broken.

For example, they would like to sleep, eat and take a bath at the same time every day and would be really upset if that is discontinued.

Do let us know your thoughts on this article in the Comment box below.

References:
1. http://www.autism-india.org/about-autism.php
2. https://www.autismspeaks.org/

Also read: Nonverbal autism in children: A guide for parents

Republished with permission from theAsianParent Singapore

The post 5 early signs of autism in toddlers appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Read Full Article
  • Show original
  • .
  • Share
  • .
  • Favorite
  • .
  • Email
  • .
  • Add Tags 

Hand-eye coordination is a key skill for your little one to develop. This skill helps them track their hands with their eyes and plays a significant role in reading, writing and other learning areas.

Although hand-eye coordination cannot exactly be taught to infants, parents can still help develop these skills by giving their kids toys that will encourage them to reach out for things and grasp them.

Your child’s hand-eye coordination starts developing as young as two months old when babies can follow a moving object with their eyes. By the time they are a toddler, they should be able to stack a few blocks and hold a pencil or a spoon so playtime is a great time to work on these skills.

Activities to improve toddlers’ hand-eye coordination Play with tactile toys

Toys such as LEGO or Playdoh are both excellent tools for developing hand-eye coordination and inspiring creativity. With each of these toys, children are also developing their fine motor skills simply by assembling and taking apart their LEGO creations or molding their Playdoh into different shapes!

Playdoh is great for kids who are still getting the hang of more difficult skills like holding a pencil or crayons. With Playdoh, you really can make anything you can dream up, and all that pressing and rolling is great for your little one’s developing fine motor skills.

Make bath murals

Pick up some craft foam and get out your safety scissors for this one! Start by stenciling different shapes onto the craft foam and then get your little one to help you (carefully!) cut them out.

While in the bath, your child simply has to wet the foam and then she can stick them to the wall and make her own murals. All that cutting, sticking things to the wall and peeling them off again is great for developing her hand-eye coordination!

Macaroni crafts

This is such an easy activity because you only need two things, and we can pretty much guarantee that these are things you already have in your home. First grab a spool of thick string, second grab one or two bags of dry pasta.

Help your little one cut and knot one end of the string (pro-tip, it is more effective to do a knot around a piece of pasta since the openings are quite wide) and then she’s ready to go! This is an activity that improves hand-eye coordination and encourages creativity at the same time. This craft also works with many types of cereal like Fruit Loops or Cheerios!

Do Puzzles

Puzzles are another way to help your little one improve their hand-eye coordination skills. And since they are available at many different difficulty levels, you can opt for more complex ones as your little one’s skills with shape recognition improve. Organizing all the pieces and building the puzzle together is a fun family bonding experience too!

Get coloring or scribbling

There is a reason that coloring and scribbling are quintessential kids’ activities. Practicing coloring in the lines helps with hand eye coordination. You can see a vast change in a child’s ability to stay within the lines over time.

Not only that, but it helps their fine motor development as well. When kids are gripping their crayons or colored pencils, they are practicing with the same muscles that they will later use when they begin learning writing skills.

What activities have you tried with your little one to help improve their hand-eye coordination?

Also read: Infant Visual Development: Mga mahalagang kaalaman

Republished with permission from theAsianParent Singapore

The post 5 easy hand-eye coordination activities for your little one appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Read Full Article
  • Show original
  • .
  • Share
  • .
  • Favorite
  • .
  • Email
  • .
  • Add Tags 

Sa isip mo ay dalawang taong gulang pa lang siya, ngunit ang iyong anak na 33 buwan ay halos tatlong taong gulang na ngayon. Malamang, siya ay tila isang ipu-ipo, nagsasalitang ipu-ipo! Maaaaring abala ka dahil sa pagiging makulit at sumpungin niya (kaya nga nila ito tinatawag na “terrible twos”), ngunit dapat mong bigyang pansin kung nakakasabay sa wastong paglaki base sa 33 buwan development ang iyong anak.

33 Buwan Development at Paglaki: Nakakasubaybay ba ang Iyong Anak? Pisikal na Paglaki

Sa 33 buwan development, ang iyong anak ay mahilig maglaro. Tulad ng ipu-ipo, siya ay tatakbo at aakyat, at mas madalas, iiwan ang kanyang silid na para bang may dumaang bagyo.

Kung siya ay sinanay mo ng magbanyo, makakaasa kang lubusan na niyang alam kung paano gumamit nito. Ngunit dapat handa ka pa rin kung sakaling siya ay sasablay man.

Kabuuang Kakayahan sa Pagkilos o Gross motor skills

Dahil siya ay aktibo sa 33 buwan development, hikayatin siyang maging aktibo sa palaruan. Magugustuhan niya ang mga duyan at padausdusan. Maaaring susubukan niyang akyatin lahat, kaya maging handa ka pagdating sa kanyang kaligtasan.

Sa ngayon, ang iyong halos tatlong taong gulang na anak ay kaya nang tumakbo na biglang titigil. Kaya na niya itong gawin nang hindi nadadapa o natitisod. Kaya na niyang lumiko habang tumatakbo, at kaya na ring umiwas sa mga harang.

Pinong Kakayahan sa Pagkilos o Fine motor skills

Sa ganitong edad, mahalaga para sa iyong anak ang mga puzzles. Kaya na niyang makabuo ng mga simpleng puzzles, at kaya na ring gumawa ng tore na nasa walong gusaling bloke. Ito ay dahil kaya na niyang gamitin nang mas maayos ang kanyang parehong kamay. Sa 33 buwan development, dapat ay kaya na niyang pagalaw-galawin ang kanyang mga hinlalaki. Nakakatulong ito sa kanya upang magamit nang maayos ang maliliit na bagay. Maaring nakikita mo na rin siyang gumuguhit ng mga simpleng stick figures. Sisimulan na niyang iguhit ang sarili at ang mga kapamilya.

Mga Tips:
  • Magpunta sa palaruan nang madalas. Dito siya matututo sa 33 buwan development at literal na isa itong malaking hakbang sa kanyang paglaki.
  • Magpalakas, mommy at daddy, dahil hahabulin mo siya nang hahabulin.
  • Bigyan siya ng maraming papel, lapis, at mga pangkulay. Mahilig siyang magsulat sa ganitong edad. Bantayan siya dahil susulatan niya pati dingding at sofa. Buti na lang may mga washable markers kang mabibili.
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor
  • Ang hindi paglakad ng tuwid o maayos sa ganitong edad ay isa sa mga posibleng senyales ng pagkaantala ng paglaki.
  • Komunsulta rin sa doktor kapag may mga dati siyang nagagawa na hindi na niya kayang gawin ngayon.
Pagsulong ng Kamalayan

Ang utak ng iyong anak ay napakalaki rin ng pagbabago sa 33 buwan development. Oo, napakaraming physical at mental development na nangyayari sa kanya ngayon, mommy!

Sa puntong ito, ang iyong anak ay dapat nakakaintindi na ng pagkapermanente o lugar ng mga bagay – isang mahalagang pag-unlad ng cognitive development. Maliban sa alam na niyang hindi basta-bastang nawawala lang ang mga gamit, kaya na rin niyang tukuyin ang iba’t ibang bagay. Mailalarawan na rin niya ang mga nakikita niyang litrato sa aklat.

Ang mga batang nasa 33 buwan development ay nakakaranas ng “night terrors”. Maaari silang magising sa kalagitnaan ng gabi na sumisigaw at nanginginig – na halos ikaatake sa puso ng mga mommy at daddy! Makakatulog sila agad pagkatapos nito at hindi na nila ito maaalala pagkagising sa umaga. Ang nakakaalarmang pag-uugali na ito ay tinatawag na “night terrors”. Sa kabila ng takot na dulot ng “night terrors”, wala kang dapat na ikabahala. Kung mangyayari ito, pagaanin ang kalooban ng iyong anak at subukang patulugin siya ulit.

Mga Tips:
  • Huwag basahin lang ang mga salita sa storybooks, hikayatin siya sa pamamagitan ng pagturo sa mga larawan, pagpapaliwanag at pagtatanong ng tungkol sa mga nangyayari sa aklat.
  • Pakalmahin siya kapag siya ay natatakot o nagkakaroon ng “night terrors”. Huwag ipagsawalang kibo ang mga kinatatakutan niya.
  • Bigyan ang iyong anak na nasa 33 buwan development ng isa hanggang apat na pirasong puzzles. Ang mga puzzles ay hindi lang mabuti sa kanyang fine motor skills, mabuti rin ito sa kanyang cognitive development.
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Ang mga bata ay lumalaki ayon sa kanilang sariling bilis at panahon. Gayunpaman, dapat kang mabahala kung nararanasan niya ang mga sumusunod:

  • Hindi siya interesado sa kunwa-kunwariang laro.
  • Nahihirapan siyang i-kategorya ang mga bagay.
  • Hindi niya nauunawaan kung para saan ang mga karaniwang bagay.
  • Hindi niya mapagtuunan ng pansin ang isang bagay at pabago-bago ng ginagawa.
Kakayahang Sosyal at Emosyonal

Ang mga batang nasa 33 buwan development ay mahilig makisalamuha.Gusto nilang makipaglaro sa iba at maaaring may paboritong kalaro. Maaaring may “imaginary friend” pa nga sila na kadalasan pang sinisisi kapag sila ay may nagawang kasalanan! Nawawala ito kapag sila ay anim o pitong taon na.

Sa ganitong edad, ang iyong anak ay naghahanap na ng iyong papuri at pagsang-ayon. Napakahalaga sa kanila ng iyong iniisip o pagtingin. Lagi siyang hikayatin upang magkaroon ng bilib sa sarili.

Humanda sa unang pakikipag-usap ng iyong anak, mommy! | Image source: File photo

Mga Tips:
  • Lagi mong purihin ang iyong anak. Batiin mo siya maging simple man ang kanyang nagawa o natapos.
  • Hayaan mo siyang makipaglaro sa ibang bata. Hindi man siya makipaglaro, ang may makasama sa paglalaro ay isa nang mabuting hakbang.
  • Maging handa sa kanyang mga sumpong. Maaaring siya ay masaya ngayon at maya-maya naman ay nagmamaktol na. Maging maunawain dahil ito ay normal lang.
  • Huwag mo siyang piliting magpahiram ng laruan. Maaari talaga siyang maging madamot sa 33 buwan development.
  • Sumali sa kanyang mga kunwa-kunwariang laro. Gatungan ang kanyang imahinasyon!
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor
  • Hindi siya nagpapakita ng interes sa ibang bata.
  • Matindi ang kanyang pagkabalisa kapag iniiwanan.
  • Hindi pangkaraniwan ang kanyang pagiging agresibo.
Development sa Pagsasalita

Ngayong sanay na siyang magsalita, siya ay magiging madaldal na! Asahan mo na ang paggamit niya ng iba’t ibang tono sa pagsasalita – masaya, sabik, malungkot, at galit. Kasabay ng kanyang kakayahang magtanong, itatanong niya ang lahat ng kanyang maiisip. Kaya maglaan ng maraming oras upang makipag-usap sa iyong anak na nasa 33 buwan development. Mangyayari talaga ito, sa gusto mo man o hindi!

Sa ganitong edad na siya magsisimulang makipagkwentuhan. Dahil ang iyong anak na nasa 33 buwan development ay kaya nang makipag-usap na gumagamit ng dalawa hanggang tatlong pangungusap. Madalas na rin siyang makakapagsalita nang malinaw at tama.

Nakakapagod mang pag-usapan ang tungkol dito, mayroong mabuting balita. Ang iyong anak ay kaya na ring sumunod sa mga simpleng pakiusap. Kaya maaari mo na rin siyang utusang kunin ang remote control o ang iyong cellphone.

Mga Tips:
  • Ituloy lang ang pakikipag-usap sa iyong anak. Kahit na hindi siya sumasagot, naiintindihan niya ang lahat ng mga bagong salita at pangungusap.
  • Ang musika ay isang mahusay na paraan upang turuan siya ng mga bagong salita. Maglibang kayo sa pamamagitan ng pagkanta ng nursery rhymes.
  • Turuan sya ng bagong letra araw-araw. Ituro sa kanya ang tunog ng letra at ang mga bagay na nagsisimula sa letrang iyon.
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Tulad ng lahat ng yugto sa paglaki, mahalagang hindi ka mangamba kung hindi pa siya nagsasalita nang malinaw, nagtatanong, o nagpapahayag ng mga naiisip niya sa buhay. Iba-iba ang bilis ng pagbabago ng bawat bata. Maging maunawain at ituloy lang ang pakikipag-usap sa iyong anak. Gayunpaman, maging mapagmatyag sa mga sumusunod:

  • Hindi niya kayang magsalita ng dalawang salitang parirala.
  • Hindi niya kayang iparating ang kanyang mga pangangailangan.
Kalusugan at Nutrisyon

Mabilis nang lumalaki ang iyong anak. Siya ay may taas nang nasa 87.5 cm hanggang 102 cm at ang kanyang timbang ay nasa 11 kgs hanggang 17.8 kgs na. Tandaan, huwag mag-alala sa taas at timbang ng iyong anak dahil magkakaiba ang bilis ng paglaki ng mga bata. Kung maayos siyang kumain, wala kang dapat ipangamba.

Pagdating sa pagkain, ang mga batang nasa 33 buwan development ay pabago-bago. May mga araw na kakainin nila ang kahit na ano, may mga araw naman na ayaw nilang kumain ng kahit ano. Karamihan sa kanila ay pinipiling kumain ng konti ngunit madalas kaysa sa regular na oras ng pagkain, kaya hindi mo sila kailangang pilitin.

Siyempre, pwede mo silang “dayain” upang kumain. Maging malikhain at gamitin ang imahinasyon sa paghahanda ng mga nakakatuwa o makukulay na pagkain. Bigyan sila ng mapagpipilian, ngunit huwag masyadong marami. Higit sa lahat, dapat kang maging mabuting huwaran pagdating sa pagkain ng masusustansyang pagkain. Tandaan, gagayahin ng iyong anak ang mga nakikita niya sa iyo.

Ating isa-isahin: Araw-araw, ang iyong anak ay kailangang uminom ng gatas at kumain ng mga prutas, pagkaing butil o grains, gulay at karne.

  • Bigyan siya ng 1 hanggang 1 1/2 tasa ng gatas, yogurt, o keso.
  • Kailangan niyang kumain ng 3 ounces ng pagkaing butil. 1 ounce = 1 pirasong tinapay, 1 tasang cereal, o 1/2 tasang kanin o pasta.
  • Kailangan din niyang kumain ng 1 tasa ng prutas. Pumili ng iba’t-ibang klase at siguraduhing maliliit ang pagkakahiwa mo sa mga ito.
  • Naghihiwa ka na rin lang ng mga prutas, bakit hindi mo pa gamitin ang blender upang gumawa ng fresh juice? Kailangan ng iyong anak ng 4 hanggang 6 ounces ng 100% fruit juice.
  • Tulad ng sa prutas, pumili rin ng iba’t-ibang klase ng gulay. Bigyan siya ng isang tasa ng lutong-gulay.
  • Kailangan niya ng protina upang lumaki, mga nasa 2 ounces ng karne o isda araw-araw. Ang mga beans, peas, at itlog ay mabuting pinagkukunan din ng protina (1 ounce = 1/4 tasa ng lutong dry beans o 1 itlog).

Upang masiguradong malusog ang iyong anak, laging alamin o suriin ang kanyang bakuna. Sa 33 buwan development, dapat ay tapos na siya sa halos lahat ng bakuna. Komunsulta sa iyong doktor kapag may nakaligtaang bakuna. Kung napabakunahan siya sa itinakdang panahon, dapat ay wala siyang bakuna ngayong buwan. Ngunit tandaan na inirerekomenda ang pagkuha ng bakuna laban sa trangkaso taon taon.

At kahit na napabakunahan ang iyong anak, maaari pa rin siyang dapuan ng sakit. Asahan na karaniwan ang ubo at sipon kapag siya ay nasa daycare o preschool. Ang mga batang wala pang tatlong taon ay nasa panganib na makakuha ng mga sakit na tulad ng hand, foot at mouth disease (HFMD), roseola, at fifth disease. Mag-ingat din sa kahit anong lagnat dahil maaaring sintomas ito ng mas malalang sakit.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor
  • Kung hindi pangkaraniwan ang kanyang pagiging maliit sa kanyang edad, maaari ka nang komunsulta sa doktor.
  • Kahit na karaniwan ang pagiging pihikan sa mga batang nasa 33 buwan development, maaari kang humingi ng payo sa espesyalista kung palagi niyang iniiwasang kumain, mainitin ang ulo, at maarte sa pagkain.

Ilang buwan na lang, ang iyong anak ay malapit nang magtatlong taon. Ikatuwa mo ang ipu-ipong hatid ng buwang ito dahil mabilis lang itong mawawala na hindi mo namamalayan.

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ Alonzo-Cruz

Sources: WebMD, CDC

Ang nakaraang buwan ng iyong anak: 32-buwan

Ang susunod na buwan ng iyong anak: 34-buwan

The post Development at paglaki ng bata sa kaniyang ika-2 taon at 9 buwan appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Read Full Article
  • Show original
  • .
  • Share
  • .
  • Favorite
  • .
  • Email
  • .
  • Add Tags 

Sa edad na dalawang taon at walong buwan ay kaya nang maging independent ng iyong anak sa maliliit na paraan. Nagsisimula na siyang makipagkwentuhan sa kanyang mga kalaro pero may mga pagkakataon pa rin na nagiging mahiyain siya. Oo, madalas pa rin siyang topakin ngunit mas naipapakita na niya ngayon sa ‘yo kung ano ang mga gusto at kailangan niya. Kaya maging handa, Mommy at Daddy, dahil nalalapit na ang ikatlong taong kaarawan niya! Anu-ano nga ba ang mga dapat asahan sa 32 buwan development ng bata?

Dito, malalaman mo ang ilang mga pagbabago sa iyong anak at mga aasahan mo sa kanyang 32 buwan development ng bata.

32 Buwan Development ng Bata: Nakakasabay Ba ang Iyong Anak? Pisikal na Paglaki

Sa 32 buwan development ng bata ay mas nagiging aktibo at mausisa na siya sa kanyang paligid. Nagsisimula na rin siyang maging dalubhasa sa pagtalon at pagbalanse ng katawan. Mahilig rin siyang magtatalon sa mga muwebles at sinusubukan na ring maglakad nang patalikod pababa ng hagdanan. Siguraduhing makisali sa kanyang pisikal na development sa pamamagitan ng pagpasyal sa kanya sa mga parke o kahit sa sarili ninyong bakuran kung saan puwede siyang tumakbo at maglaro ng ligtas.

Pagdating sa kanyang fine motor skills, mapapansin na sa 32 buwan development ang madalas na paggamit ng iyong anak ng espesipikong kamay sa pagkopya o pagbakas ng mga simpleng hugis.

Mga Tips:

  • Ang pinakamainam na paraan upang malinang ang kanyang skills ay ang pagbibigay ng mga pambatang art supplies. Masisiyahan din ang inyong anak sa mga laruang bloke at mga puzzles.
  • Ang aksidenteng pag-ihi sa kama ay problema pa rin sa iyong anak. Takpan ng plastic sheets o protector ang kanyang kama kung kinakailangan. Para maiwasan na ang ganitong mga aksidente, ugaliing isama ang pagbabanyo sa inyong routine gabi-gabi bago kayo matulog.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

  • Obserbahan ang inyong anak kung may mga developmental delays siya gaya ng hindi kayang tumakbo o umakyat nang maayos sa hagdanan. Komunsulta sa doktor upang mapalakas ang kanyang motor development.
Pagsulong ng Kamalayan 

Mamamangha ka sa galing ng iyong anak sa pagkilala ng bawat kulay! Himukin din siyang pagbutihin ang kanyang kaalaman sa pagkilala sa bawat hugis! Gumuhit o gumawa ng mga masasayang sining na hindi lamang makakapagpalinang sa kanyang brain development, kundi magpapatibay din sa inyong ugnayan at komunikasyon bilang mag-ina o mag-ama.

Sa 32 buwan development nahihilig ang iyong anak sa mga lapis at krayons. Sa simula ay maaaring wala pang korte o porma ang kanyang mga iginuguhit. Ngunit kalaunan, mapapansin mo na ang ilang hugis o mga larawan sa mga ito.

Mga Tips:

  • Puwede mong utusan ang iyong anak na tulungan kang maggupit ng mga papel sa tuwid na linya (siguraduhing pambatang gunting ang ipapagamit sa kanya!).
  • Magbilang nang magbilang ng kahit na ano! at sanayin rin ang kanyang pagkabisa ng mga alpabeto sa pamamagitan ng mga kanta, laro o kahit mga visual aids.
  • Pasiglahin ang brain development ng iyong anak sa pamamagitan ng mga sensory activities gaya ng paglalaro ng clay o pagkilala sa mga huni ng mga hayop.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

  • Ang bawat bata ay magkakaiba pagdating sa pagkatuto kaya dapat mong alamin kung ano ang mas epektibong paraan para matuto ang iyong anak. Kung nahihirapan siya sa pagbibilang o pagkilala ng mga kulay at hugis, ipakonsulta siya sa kanyang pediatrician.

Isa sa mga kamangha-manghang milestone ng 32 buwan na bata ay ang kanyang kakayahan na masabi ang kaibahan ng mga kulay at hugis ng bawat bagay. Linangin ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng aklat at patuloy na pakikipag-usap sa kanya. | Image courtesy: Dreamstime

Kakayahang Sosyal at Emosyonal

Sa 32 buwan development ng bata, mas gusto ng iyong lumalaking anak na maglaro mag-isa o makipaglaro sa ibang bata. Anuman ang gusto niyang uri ng laro, paunlarin ang kanyang diwa sa pakikipagtulungan at pakikipag-usap kahit na mas gusto niyang kalaro ang kanyang mommy at daddy sa ngayon.

Bagaman nagsisimula na siyang makipagkaibigan, may mga ilang pagkakataon na magiging tensyon ito. Maaaring makipagtalo siya sa ibang bata habang nagiging bossy sa kanila o kabaliktaran, na siya naman ang natatakot sa mga bossy na kalaro.

Mga Tips:

  • Upang matulungan ang iyong anak sa yugtong ito, subukan siyang turuan ng mabuting asal at pakikiramay. Ipaliwanag sa kanya ang kahulugan ng pakikipagkaibigan.
  • Maaaring matatakutin siya sa gabi, ngunit kapag nalaman na niya ang pagkakaiba ng totoo sa kathang-isip, magiging mas matapang na siya.
  • Bukod sa pagpapaunlad ng kanyang fine motor skills, ang sining ay magiging daan din upang masukat ang emosyon ng iyong anak kaya hayaan siyang gawin ito nang hindi siya iniistorbo.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

  • Huwag magpanic kung ang iyong anak ay nagpapakita ng pagiging balisa gaya ng pag-untog ng kanyang ulo. Kadalasan itong dala ng kanyang pagiging mausisa, at ito ang paraan niya upang masubukan ang kanyang limitasyon. Ngunit maging mapagmatiyag pa rin dahil kung madalas itong nangyayari, maaaring may nararamdamang sakit ang iyong anak na hindi niya masabi sa iyo.
  • Tandaan rin kung ang iyong anak ay masyadong mahiyain o hindi tumitingin ng mata sa mata.
Development sa Pagsasalita

Sa panahong ito, ang iyong anak ay mas kumportable ng tawagin sa kanyang pangalan. Pamilyar na rin siya sa kasarian at paggamit ng mga pang-ukol – in, on, over – upang ipahiwatig ang lokasyon ng mga bagay. Ang iyong mausisang anak ay kaya ng umunawa at makisali sa kwentuhan.

Sumasabat na rin siya sa usapan o nang-iistorbo kapag ikaw ay abala ngunit paraan niya lamang ito upang kunin ang iyong atensyon.

Mga Tips: 

Maghandog ng mga pagpipilian upang matulungan ang iyong anak na makuha ang kanyang pagkontrol sa isang bagay o sitwasyon. Kung siya man ay umiyak, ito ang kanyang paraan ng komunikasyon.

Himukin siyang sabihin ang kanyang nararamdaman. Kapag nangyari ito, subukang maging kalmado at huwag siya pagalitan o sundin at pamihasain.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

  • Kung ang inyong anak ay nahihirapang bigkasin ang ilang salita o pantig, makabubuting komunsulta sa pediatrician o sa isang speech pathologist upang malaman kung ano ang mga makakapagpalinang ng kanyang communication skills.
  • Kung masyadong tahimik at walang imik ang iyong anak kahit sa inyong pamilya at mga kaibigang kakilala niya, mabuting ipasuri siya sa doktor.
Kalusugan at Nutrisyon

Sa 32 buwan development ng bata, ang gana ng iyong anak sa pagkain ay kapantay na rin ng kanyang bilis sa paglaki. Kaya kung kumakain siya ng mabuti, mabilis din ang kanyang paglaki. Hainan ng iba’t-ibang uri ng masustansiyang pagkain ang iyong anak na may iba’t-ibang kulay at lasa upang lalo siyang ganahan sa pagkain.

Dapat siyang bigyan ng pagkain base sa apat na basic food group: karne (2 ounces), isda, manok, o itlog (1 piraso); gatas (kalahating tasa), keso (1 hiwa), at iba pang dairy products; prutas (1/3 tasa) at gulay (2-3 piraso), at tinapay (1 hiwa) patatas (1/3 tasa), kanin (1/3 tasa) o cereal (kalahating tasa)

Ang tipikal na taas ng mga batang nasa 32 buwan development ay nasa 86.4 cm hanggang 100.4 cm at may timbang na nasa 10.8 kgs hanggang 17.4 kgs.

Pagdating sa iskedyul ng bakuna, mabuting tanungin ang pediatrician ng iyong anak kung kailangan ang mga bakunang Hepatitis A series, Menigococcal, at pneumococcal (PPSV) base sa medical history at predisposisyon ng iyong anak.

Mga Tips: 

  • Mahalagang tandaan na ang sobrang pagpapakain sa ganitong edad ay maaaring magresulta sa obesity sa kalaunan kaya mabuting patnubayan ang dami ng pagkain ng iyong anak, maging ang nutrisyon nito.
  • Pagdating naman sa pagtulog, maaari na silang ilipat mula sa kuna patungong kama. Ngunit maging mapagpasensya dahil siguradong maninibago kayo at maiistorbo ang inyong pagtulog.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

  • Ipasuri agad sa pediatrician ang iyong anak kung siya ay masyadong magaan para sa kanyang edad o mabagal ang kanyang paglaki.
  • Bagaman natural lamang na mahirapan ang iyong anak na matulog at manibago sa bagong higaan, ikonsulta sa doktor kung mapapansing sobrang clingy o hysterical ng iyong anak.

Higit sa lahat, huwag madaliin ang iyong anak. Bagaman kapana-panabik para sa mga magulang ang kanyang 32 buwan development ng bata, mahalagang malaman na ang bawat bata ay may kanya-kanyang panahon ng pag-unlad. Habaan ang pasensya at maging supportive dahil kailangan ito ng iyong anak!

Sana ay nasumpungan mong kapaki-pakinabang ang artikulong ito. Ano pa ang mga kayang gawin ng iyong anak na nasa 32 buwan development ng bata?

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ Alonzo-Cruz

Sources: Maternal and Child Health Nursing Fourth Edition, Adele Pillitteri

Ang nakaraang buwan ng iyong anak: 31 buwan

Ang susunod na buwan ng iyong anak: 33 buwan

The post Development at paglaki ng bata sa kaniyang ika-2 taon at 8 buwan appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Read Full Article
  • Show original
  • .
  • Share
  • .
  • Favorite
  • .
  • Email
  • .
  • Add Tags 

Nalagpasan nang maayos ng iyong anak ang kanyang terrible twos at sa awa ng Diyos, hindi naman ito masyadong naging masama. Pagdating naman sa 31 buwan development ng bata, mayroon ng mga pagbabagong unti-unting lumalabas sa kaniyang personalidad habang siya ay lumalaki.

Isa sa mga kapansin-pansin na motor skills nila sa edad na ito ay ang pagtakbo nang dire-diretso at pagtalon nang paisa-isang hakbang. Ngunit hindi lamang ang kanilang paglaki at paggalaw ang nagdedevelop. Narito ang ilan sa mga maaasahan mo sa 31 buwan development ng bata!

31 buwan development ng bata: Nakakasubaybay ba siya? 31 buwan development ng bata: Pisikal na paglaki

Sa ganitong edad, handa na ang inyong anak na sumali sa mga aktibidad at laro na nangangailangan ng pisikal na paggalaw gaya ng pagtakbo, pagkandirit, pag-gapang, paggulung-gulong at pag-ikot. Nadevelop na rin ang balanse ng inyong anak at siguradong kaya na niyang maglakad sa isang makitid na kahoy.

Nagsisimula na rin siyang matuto na umakyat at maglambitin kaya gusto na niyang umakyat ng mga hagdan o kahit na anong mababang muwebles na pwede niyang sampahin.

Makikita mo na rin kung gaano niya kabilis gamitin ang kanyang mga kamay at daliri. Madali na niyang nahahawakan ang lapis o crayons at nagsisimula na siyang gumuhit ng mga linya, bilog, at paikot-ikot na linya. Masusubok mo na rin ang galing ng kanyang mga kamay sa pamamagitan ng pagbigay ng maliit na gunting sa kanya at hayaan siyang gupitin ang mga makukulay na papel gamit ito. Marunong na rin siya ngayong maglipat ng mga pahina ng libro nang paisa-isa.

Mga Tips:
  • Maging aktibo kasama ng iyong anak. Simulan ito sa pamamagitan ng pagpunta sa palaruan o pambatang rock climbing gym para mapukaw ang kanyang hilig sa pag-akyat.
  • Huwag masyadong mag-alala sa iyong anak kung hindi pa siya maayos gumuhit ng mga linya o gumupit ng isang eksaktong hugis. Nasa yugto pa siya ng pag-aaral sa paggamit ng mga instrumento. Darating din kayo sa puntong iyan!
  • Ito ang pinakamainam na oportunidad ng pagtuturo para sa iyong anak na matutunan ang tungkol sa kaligtasan sa palaruan at paggamit ng mga gunting. Mahalagang maturuan siyang mag-ingat sa edad na ito!
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Siya ay dapat na nakakagawa na ng mga madadaling bagay ngayon gaya ng pag-ikot ng doorknob kaya kung napuna mong may mabagal na development sa kanyang motor skills, mas makabubuting komunsulta agad sa doktor o eksperto.

31 buwan development ng bata: Pagsulong ng kamalayan 

Habang nalilinang ang motor skills ng iyong anak, nalilinang na rin niya ang kanyang abilidad na kilalanin ang bawat hugis. Sa ngayon ay kaya na niyang kilalanin ang bilog at krus at kaya na rin niyang iguhit ang mga hugis na ito.

Maaari na rin siyang magsimulang magtanong ng mga mahihirap na tanong gaya ng “Saan nanggaling ang mga baby?” at kapag nangyari ito, maging mapagpasensya at gawing simple at diretso ang iyong sagot. Nasa sa iyong diskarte na kung paano sasagutin ang mga ganitong mahihirap na tanong.

Ang pinaka-importante ay ang ikalugod ang pagiging mausisa ng iyong anak. Linangin ang kanyang karunungan sa pamamagitan ng pagtanggap ng kanyang bawat tanong nang may pag-unawa at pagpapasensya.

Mga Tips:

Oras na para punuin ang lalagyanan ng laruan ng iyong anak ng mga laruang pang-role playing gaya ng mga costumes at iba pang bagay na maaring niyang gamitin sa larong pagkukunwari. Ito ang magpapasigla sa kanyang imahinasyon!

Habaan ang iyong pasensya kung napakaraming itinatanong ng iyong anak. Sagutin ang bawat isa upang hindi mawala sa kanya ang pagiging mausisa! Ang ibang tao sa labas ng inyong tahanan ay maaaring maubos ang pasensya sa kanyang mga tanong kaya siguraduhing hindi rin mauubos ang pasensya mo!

Sa tingin mo ba ay maaaring maging susunod na Picasso ang iyong anak base sa kanyang mga abstract drawings? Maaaring mahasa ang kanyang kakayahan sa pagguhit sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanya sa isang art class.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Ang iyong anak ay dapat na maging matanong at maingay sa kanyang edad ngayon. Kung napapansin mong masyado siyang tahimik at hindi natututo sa mahabang oras, kailangan mo na siyang ipatingin sa doktor.

31 buwan development ng bata: Kakayahang social at emosyonal

Siya ay maaaring mahiyain sa ngayon ngunit lilipas din ito, lalo na ngayong puwede mo na siyang ipalista sa mga aktibidad na pang-preschool gaya ng mga klase sa pagkukwento o pambatang gym. Habang siya ay nagiging palakaibigan, nakasusumpong siya ng mas maraming oportunidad upang lumabas sa kanyang sarili.

Mahalagang bigyan siya ng panahon para sa kanyang sarili at patnubay.

Huwag mag-alala kung natatakot pa rin siya sa tuwing gabi. Pahinahunin ang kanyang loob at pakinggan siya upang hindi masaktan ang kanyang damdamin.

Pagdating sa 31 buwan development ng bata, maraming maliligayang milestone na dapat asahan ang mga magulang gaya ng lumalawak na bokabularyo ng bata at kumpiyansa sa kanyang sarili! | Image courtesy: Dreamstime

Mga Tips:
  • Ipasok siya sa mga nakakaaliw na klase at isali sa mga grupo ng play session hangga’t maaari.
  • Ang bawat sandali ay isang oportuniad upang turuan ang iyong anak na makihalubilo sa iba. Turuan siya ngayon kung paano dapat makibahagi sa iba o matutong maghintay sa kanyang pagkakataon na gawin ang isang bagay.
  • Ang paglalaro ng mga kunwa-kunwarian ay ang kanilang ideya ng kasayahan. Hindi lamang ito isang mahusay na paraan ng paglalaro, ito rin ang paraan upang siya ay mas lalong maging mapagpahalaga sa sarili at matutong makibagay sa iba.
  • Sa katulad na paraan ng paglalaro ng kunwa-kunwarian upang masubok at makapagsaliksik ng mga posibilidad, maaari rin siyang maging masunurin sa mga patakaran nina mommy at daddy. Nagiging pamilyar siya sa kung paano ginagawa ang isang bagay gaya ng mga araw-araw na gawain sa bahay at maaari nilang gayahin kung paano ginagawa ang mga gawaing ito.
  • Gawin ang mga bagay nang paisa-isa at huwag punuin ng maraming aktibidad ang araw ng iyong anak. Bigyan siya ng pagkakataon na makapagdesisyon, gaya ng kung ano ang gusto niyang suotin na damit o kung saan itatabi ang kanyang mga laruan.
  • Puwede mo nang ilipat ng higaan ang iyong anak mula sa crib papuntang kama ngunit maaaring magkaroon ng kaunting problema kaya huwag kang maligalig o pamihasain silang laging bukas ang ilaw.
  • Maaaring matagalan bago niya matutunang huwag bumangon sa kanyang higaan at humiga sa gitna ninyo, mommy at daddy, ngunit namnamin niyo rin ang bawat sandali nito!
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Normal lamang sa edad ng bata ang pag-aalboroto ngunit kung hindi niya kayang pigilan ang kanyang emosyon sa lahat ng oras, maaaring ang kanyang inaasal ay isang senyales na ng mas malalim na problema. Komunsulta sa doktor kung sa tingin mo ay may malalim na problemang emosyonal na ang inyong anak.

31 buwan development ng bata: Development sa pagsasalita

Sa puntong ito ng 31 buwan development ng bata, madalas na niyang igiit ang pagsasabi ng “Hindi” o “Ayaw” at nagsisimula na rin siyang makipag-usap sa mga kapwa niya bata.

Mas lalo na siyang malikhain, may kumpiyansa sa sarili at madaldal. Marunong na rin siyang magsinungaling. Bagaman maaari siyang magsabi ng white lies o bahagyang pabulaanan ang isang bagay, ito ay dahil sa kanyang malikhaing pag-iisip at hindi dahil sinasadya niya itong gawin.

Habang papalapit ang ika-tatlong kaarawan ng iyong anak, patuloy na ring humuhusay ang kanyang bokabularyo. Mas lalo na rin siyang nagiging mausisa. Isali siya sa mga pagpapatawa at pag-uusap upang humusay ang kanyang kasanayan sa pakikipag-usap at kakayahang mangatwiran.

Mga Tips:
  • Ngayon ang tamang oras para disiplinahin ang iyong anak gamit ang positibong paraan. Maaaring nakikipagtalo siya sa’yo sa lahat ng oras dahil dumadaan siya ngayon sa yugto ng pagrerebelde ngunit mabuting turuan siya ng tungkol sa hangganan nito kasabay na rin ng tamang tono ng pananalita.
  • Patuloy siyang turuan gamit ang mga flash cards o ibang pamamaraan upang mas lumawak ang pa ang kanyang bokabularyo.
  • Linangin ang kanyang bokabularyo sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro sa kanya. Sa edad na ito, kaya na ng inyong anak na pagtagpi-tagpiin ang mga salita at bumuo ng mga pangungusap!
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Ang iyong anak ay dapat na madaldal na at kaya nang magsalita ng kaunti ngunit buong pangungusap ngayon. Kung hindi siya nakikipag-usap sa’yo, mayroong may mali sa kalagayan ng anak mo.

31 buwan development ng bata: Kalusugan at nutrisyon

Maaaring pihikan ang iyong anak sa pagkain ngayon. Maging matiyaga sa kanya dahil nagsisimula pa lang siyang alamin kung anong panlasa ang gusto niya.

Tulungan siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga masustansiya pagkain na pagpipilian habang binabawasan ang anumang panglito ng isip niya.

Sa kanyang edad, nangangailangan siya ng 3 ounces ng whole grains, 1 tasa ng prutas at gulay, 2 tasa ng gatas at 2 ounces ng karne at beans.

Almusal 1/2 wholegrain toast na may kasamang 1 kutsara ng peanut butter at 1 tasang gatas
Snack bago magtanghalian 1 tasa ng strawberry (or isang dakot) na may kasamang 1/2 na tasa ng gatas o yogurt
Tanghalian Sinangag na may halong tinadtad na karne ng manok o baka at 1/2 na mansanas

o

Pasta na ang sauce ay gawa sa kamatis, at hinaluan ng salmon, karne ng manok o baka at isang maliit na ponkan

Merienda Carrot o ginayat na pipino na may kasamang hummus at 1/2 tasa ng gatas
Hapunan 1/2 tasa ng inihaw o piniritong manok na may kasamang nilagang gulay at 1/4 tasa ng strawberry

o

Sinigang na isda na may kasamang ginisang kai lan at 1/4 tasa ng blueberry

Ang tipikal na taas at timbang ng 31-buwan na bata ay nasa 85.7cm hanggang 99.6cm at 10.7kg hanggang 17.1kg.

Importanteng makumpleto ng inyong anak ang kanyang mga bakuna. Ang HepA ay inirerekomenda para sa mga batang 2 taong gulang pataas na nanganganib na magkaroon ng Hepatitis A (mabuting suriin ang inyong family history ng mga sakit). Maaari mo rin isaalang-alang ang Pneumococcal vaccine kung ang iyong anak ay may kondisyon na nakaka-apekto sa kanyang immune system gaya ng asplenia o HIV.

Tandaan, opsyonal lamang ang mga bakunang ito. Tanungin ang inyong doktor upang masigurong kumpleto ang mga bakuna ng iyong anak. Ang kadalasang sakit na tumatama sa mga batang may ganitong edad ay ang bulutong, beke, tigdas, dengue at hand, foot and mouth disease o HFMD.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Kung ang iyong anak ay sobra o kulang sa timbang, komunsulta agad sa doktor. Mahalagang masubaybayan ang taas at timbang ng iyong anak sa pinaka-importanteng buwan ng kanyang development.

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ Alonzo-Cruz

Sources: WebMD, Healthy Families BC, Kids Health

Your toddler’s previous month: 30 months

Your toddler’s next month: 32 months

The post 31-buwan development ng bata: Isang gabay para sa mga magulang appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Read Full Article
  • Show original
  • .
  • Share
  • .
  • Favorite
  • .
  • Email
  • .
  • Add Tags 

Pagkatapos ng “terrible twos”, susunod naman dito ang yugto ng 30 buwan development at paglaki ng bata na kung saan inihahanda siya sa kanyang pagiging threenager.

Sa puntong ito, dalawa’t kalahating taon na ang iyong anak, masyado pa siyang malapit sa iyo pero may ilang malaking pagbabago lalo na ang kanyang kakayahang makisalamuha at makapagsalita. Pero ang pinakakapana-panabik sa yugtong ito ay ang pagtuturo sa kanyang magbanyo, isang malaking pagbabago sa 30 buwan development kung saan iwas diapers at wet wipes na!

Narito ang ilang gabay sa 30 buwan development ng iyong anak at kung ano ang mga dapat asahan. Tandaan, ang development ng mga toddler ay magkakaiba. Maaaring mangyari ang ilan sa mga development na ito kapag handa na ang ilang batang late bloomers.

Image source: File photo

30 Buwan Development at Paglaki: Nakakasubaybay ba ang Iyong Anak?
Pang-araw-araw na Kasanayan

Ang pagiging independent o pagsasarili ng iyong anak sa edad na ito ay kapansin-pansin, matapos ang ilang buwang panggagaya sa inyo, Mommy at Daddy.

Ang pagbabagong ito ay ang nangangahulugang gusto na niyang gawin ang mga bagay-bagay nang mag-isa. Isa sa mga mapapansin ay ang pagkukusa niyang magbihis, o ang pagpipilit na magsipilyo nang mag-isa at maghugas ng mga kamay.

Sa usaping kalinisan sa katawan, ito ay magandang panimula upang maturuan siya kung paano magbanyo.

Mga Tips: 

  • Suportahan ang iyong anak sa kanyang bagong tuklas na independence sa pamamagitan ng simpleng pagtuturo sa kanya kung paano ang tamang pagsisipilyo at pagpapanatiling malinis ng kanyang mga kamay.
  • Pakainin siya ng mga masustansiyang pagkain tulad ng prutas at gulay, at iwasang pakainin ng mga pagkaing matatamis.
  • Hayaan siyang magbihis nang mag-isa at maging mapagpasensya sa pagtuturo sa kanya kung paano ito gagawin. Ang pagbibigay-laya sa kanyang pumili ng susuotin ay magpapakita ng kanyang self-expression.
  • Isali siya sa mga simpleng gawain tulad ng pagtatangkap ng kanyang mga laruan, at turuan siyang maging responsable at matulungin. Sa ganitong paraan, puwede siyang maging “side-kick” ni Mommy.
  • Narito ang mga dapat asahan sa 30 buwan development check-up ng iyong anak: tangkad, bigat, pisikal na pagsusuri (ng mga mata, tenga, puso, baga, atbp.), bakuna at developmental screening.

Alamin ang mga pagbabago sa 30 buwan development ng iyong anak sa kanyang followup checkup sa klinika! | Image source: Shutterstock

Pisikal na Paglaki

Sa 30 buwan development ng bata (dalawa’t kalahating taon), ang inyong anak ay may kakayahan nang tumalon na magkasabay ang dalawang paa at bumaba ng hagdan na salitan ang mga paa. Maaari na rin siyang sumakay at pumadyak ng bisikleta nang mag-isa.

Maayos na rin ang pagbalanse ng kanyang katawan at dahil dito, nagagawa na niyang tumakbo at umiwas sa mga balakid sa kanyang dadaanan. Kontrolado na rin niya ang kanyang mga paa at kamay kaya maging handa sa mga lobo at bola na bagong bagay na kagigiliwan ng iyong anak.

Kapag tumuntong na sa 30 buwan development ang iyong anak, may kaalaman na siya sa simpleng paggupit at pagtupi ng papel, pagguhit at pagkilala ng ilang kulay kagaya ng pula at dilaw. Ang paglalaro ng malalaking butones at zipper ay hindi magiging problema, maging ang pagbubukas ng takip ng mga botelya. Magtutuwa rin siya sa paglalaro ng mga puzzle at bloke!

Mga Tips:
  • Tiyaking ligtas ang inyong anak sa loob ng bahay.
  • Gumawa ng isang obstacle course kung saan maaari siyang gumapang at umakyat. Malilibang ang iyong anak sa ganitong aktibidad.
  • Ang mga parke at palaruan ay magandang lugar para sa iyong anak upang malaya siyang makatakbo at makapaglaro. Siguraduhin lamang na ikaw ay nakabantay at paalalahanan din siyang mag-ingat.
  • Bigyan ng pagkakaabalahan ang iyong anak gaya ng pagpipinta gamit ang pintura at crayons.
  • Turuan siyang magligpit ng kanyang mga laruan pagkatapos maglaro.
  • Samahan siyang maglaro ng city blocks. Sa larong ito mahahasa ang kanyang isip at hand-eye coordination habang ginagaya ka niya.

Hayaan siyang maglaro ng makukulay na pintura! | Image source: File photo

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Komunsulta sa pediatrician kung sa 29 buwan development ng iyong anak ay nahihirapan siya sa pagkilos. Sa kanyang edad, dapat ay well-developed na ang kanyang pag-balanse. Kung palagi siyang nadadapa, nahihirapang tumakbo, tumalon o maglakad gaya ng ibang bata, oras na Mommy upang ipa-checkup ang iyong anak.

Pagsulong ng Kamalayan

Pagtuntong ng 30 buwan development ng bata ay nag-uumpisa na rin ma-develop ang kanyang pag-iisip.

Para sa mga batang nangangailangan ng ispesyal na atensyon, isa itong oportunidad para sa mga magulang ang hasain ang kanilang kakayahang matuto at maglaro. Ito ang panahon kung saan maari siyang turuan ng mga simpleng problem-solving o maturuan siya ng trial and error activities. Sa 30 buwan development ng bata, dapat tukoy na niya ang pagkilala sa mga hugis, sukat at kulay.

Mga Tips:
  • Ang paglalaro ng building blocks at puzzles ay magandang umpisa para sa kanyang sorting skills.
  • Maglaro ng scavenger hunts upang matuto siya kung ano ang pagkakaiba ng itaas, ibaba at loob.
  • Ang paglalaro ng tubig sa pamamagitan ng pagsasalin nito sa iba’t ibang sukat na lalagyan ay makakatulong sa kanyang kakayahang tumukoy ng sukat.
  • Ang pag-uulit ng mga pambatang kanta o nursery rhymes ay makakatulong naman sa kanyang memorya.
  • Habaan mo pa ang iyong pasensya, Mommy. Ang 30 buwan development ng bata ay nakakapagod para sa ilang magulang, lalo na kung kumikilos na sila na parang threenager.
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Komunsulta sa iyong doktor kung mapapansing hirap ang iyong anak na sumagot sa simpleng problem-solving. Gayundin kung naguguluhan siya sa pagkilala ng mga bagay ayon sa hugis, kulay, at laki nito. Sa paraang ito maaga mong malalaman kung may problema ang iyong anak

Kakayahang Sosyal at Emosyonal

Magsaya, mga Mommies! Dahil sa 30 buwan development nagsisimulang makipaglaro sa ibang bata ang inyong anak.

Huwag masyadong umasa na magkakaroon ka ng mahabang oras ng pakikipag-chikahan sa iba pang nanay ng mga bata habang sila ay nakikipaglaro. Habang abala ang inyong anak sa pakikipaglaro, may ilang bata pa ring hirap makisalamuha.

Madali rin silang mainis dahil nalilito pa rin sila kung gusto ba nilang magsarili o magpatulong pa rin sa kanilang Mommy.

Bahagi ng 30 buwan development ng bata ang hamon para maipahayag ang kanyang emosyon. Huwag mag-alala kung bigla siyang magtampo kapag hindi mo naiintindihan ang ibig niyang sabihin. Habaan mo pa ang iyong pasensya dahil sa estadong ito, mas bigo ang iyong anak kaysa sa’yo.

Maaari mong makita ang ilang improvement ng iyong anak sa separation anxiety. Gayunpaman, ang inyong anak ay magsisimula nang magkaroon ng mga bagong katatakutan gaya ng pagiging mag-isa sa dilim at pagkatakot sa mumu.

Ang pagbago sa kanyang mga nakasanayang gawin ay maglilikha ng panibagong tantrums sa inyong anak. Ang kagandahan lang sa trying phase na ito ay ang unti-unting pagkilala niya ng kung ano ang tama at mali.

Mga Tips:
  • Ayos lang makipag-kwentuhan sa kapwa magulang kapag playdate ngunit manatili pa ring nakaalerto sakali mang magpatulong sa iyo ang iyong anak sa anumang sitwasyon.
  • Mas komportable ang iyong anak kung siya ay nakikipaglaro sa mga pamilyar na tao sa kanyang paligid.
  • Palakasin ang loob ng iyong anak. Makipaglaro sa kanya at ipakita mo kung paano magpalitan  at magbigayan.
  • Himukin ang iyong anak na ipakilala ang kanyang sarili sa kanyang mga kalaro.
  • Hikayatin siyang maglaro ng kunwa-kunwarian dahil hindi lang ito nakakatuwa. Made-develop din nito ang kanyang sense of humor.
  • Huwag silang kalimutang purihin kapag may mabuti silang nagawa. Maging mapanghikayat kaysa maging pala-utos.
  • Pakinggan silang maigi lalo na kung may nais silang sabihin upang maramdaman nilang importante at pinapahalagahan mo sila.
  • Maging malumanay kapag sila ay pinagsasabihan dahil nag-uumpisa pa lang nilang matutunan ang kaibahan ng tama at mali.
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Kung mapapansin mong nahihirapang makisalamuha ang iyong anak sa ibang bata o kung ayaw niya mismong makipaglaro, makabubuting dalhin siya sa doktor.

Sa ganitong edad ay dapat nagsisimula nang makisalamuha sa iba ang iyong anak. Bagaman magkakaiba ang pagsulong ng mga bata, madali mong mapapansin kung hindi nakikibagay o hindi nakikipaglaro ng maayos ang iyong anak.

Development sa Pagsasalita

Sa panahong ito, ang inyong anak ay alam na ang kaibahan ng mga simpleng salita kagaya ng “mainit at malamig” o “taas at baba”.

Ang malaking pagbabago sa 30 buwan development ng bata ay ang pagsulong ng kanyang pananalita. Unti-unti nang nakakasagot ng mas mahaba ang iyong anak, mula sa isang salita na sagot hanggang sa maiiksing parirala at nakakasunod na rin sa mga simpleng tagubilin. Mas madali na rin silang maintindihan bagaman kadalasan pa rin silang nagtatanong ng “Ano?” at Saan?” (o “What?” at “Where?” sa Ingles).

Sa kabila ng pagiging maingay, natututo na rin siyang malaman ang pagkakaiba ng hina o lakas ng mga tunog at mga tono.

Mga Tips:
  • Kapag nagbabasa, mas mabuting ipaulit ang iyong binasa sa iyong anak. Bigkasin nang malinaw ang bawat salita at iparinig kung paano ang wastong pagbigkas nito. Basahin ng may iba’t-ibang tono.
  • Ang mga librong maraming panghalip o pronouns ay makatutulong para sa pagpapabuti ng kanyang pakikipagtalastasan.
  • Ang pagtuturo sa kanya gamit ang mga pictorial flashcards ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng kanyang bokabularyo.
  • Ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa iyong anak sa mga sa panahong ito upang mapalawak pa ang kanyang bokabularyo.
  • Maging matiyaga kapag siya ay nagtatanong. Asahan na ang kanyang pagiging matanong, Mommy!
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Habang ang ibang bata ay nahihirapang matuto ng mga salita, sa kabuuan, mapapansin mo ang pag-unlad ng bokabularyo ng iyong anak. Ngunit kung walang pagbabago sa kanyang bokabularyo sa loob ng ilang buwan, baka oras ng pumunta sa doktor.

Kung nahihirapang makasunod sa mga tagubilin ang iyong anak kahit paulit-ulit mo na itong ipinapaliwanag sa kanya, ipatingin na siya agad sa isang espesiyalista upang malaman ang dahilan kung bakit nahuhuli ang development ng iyong anak.

Laging tandaan na maging mapagpasensya at palakasin ang loob ng iyong anak. Iwasan din ang ikumpara ang iyong anak sa ibang bata. Maging isang “cool mom” at gawing magaan at masaya ang mga bagay-bagay para sa iyong anak. Tandaan, magkakaiba ang learning styles ng mga bata.

Ang iyong anak ay hindi mananatiling bata kaya i-enjoy ang kanyang pagiging mausisa at matanong habang inihahanda ang matibay na pundasyon para sa kanyang hinaharap.

Kalusugan at Nutrisyon 

Sa 30 buwan development, ang taas ng iyong anak ay dapat nasa humigit-kumulang 84 cm hanggang 98.3 cm at may bigat na 10.7 kgs hanggang 16.2 kgs.

Kumakain na dapat siya ng mga solid food at minsan na lang umiinom ng gatas bilang karagdagan sa kanyang pagkain. Ang wastong pagkain at pisikal na aktibidad ay parehong mahalaga pagdating sa pagpapabuti ng kalusugan ng iyong anak.

Ilang nakukuhang sakit kapag tumuntong na sa ika-30 buwan ang bata ay ang chickenpox, beki, tigdas at lagnat, kaya siguraduhing kumpleto sa bakuna ang iyong anak. (Dapat meron siyang bakuna laban sa MMR, chickenpox, lagnat at hepatitis) At kung may isa sa mga nabanggit na hindi pa nagagawa sa iyong anak huwag mag-alinlangan kumonsulta sa doctor.

Karaniwang sakit ng mga batang nasa 30 buwan development ay ang bulutong, beke, tigdas at trangkaso, na karamihan ay dapat naibakuna na sa iyong anak laban sa mga sakit na ito. Kung kulang ng alinmang bakuna ang iyong anak, mabuting komunsulta sa doktor.

Ang lagnat ay karaniwan ding sakit kaya mas mabuting subaybayan ang kalusugan ng iyong anak.

Ang pagbibigay ng balanseng nutrisyon sa iyong anak ay napakahalaga. Siguraduhing nabibigyan siya ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates, protein, iron, at iba pang essential vitamins at minerals na kailangan ng kanyang katawan.

Pagdating naman sa meal plan ng iyong anak, kailangan niya ng 1/3 tasa ng kanin o tinapay, 1/3 tasa ng karne at gulay, at 1/3 tasa ng prutas. Ang dami ng pagkain ay nakadepende pa rin sa gana ng iyong anak sa pagkain.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Kailangan mo nang komunsulta sa doktor kung ang iyong anak ay mas maliit kumpara sa ibang bata o kung hindi siya nagdedevelop gaya ng inaasahan mo.

Ang buwanang pagbisita sa inyong doktor ay isang magandang ideya kung nais mong masubaybayan ang development ng iyong anak.

At kung sakaling may iniindang matagal ng sakit ang iyong anak kagaya ng lagnat, ubo o sipon, huwag mag-atubiling dalhin siya sa doktor at baka may seryosong bagay na dahilan ito.

Isinalin mula sa Ingles ni Yddette Civ Alonzo-Cruz

Sources: Kidshealth, WebMD

Ang nakaraang buwan ng iyong anak: 29 buwan

Ang susunod na buwan ng iyong anak: 31 buwan

The post Development at Paglaki ng Bata na 30 Buwan appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Read Full Article
  • Show original
  • .
  • Share
  • .
  • Favorite
  • .
  • Email
  • .
  • Add Tags 

Pagtungtong ng 29 buwan development ng bata, dito nagsisimula ang kanilang pagiging sumpungin. Karaniwan para sa kanila ang pagwawala o nagagalit kapag hindi nila nakukuha ang gusto nila. Sa kanyang edad, lagi nating isaisip ang pagkakaroon ng mahabang pasensya at pang-unawa sa pananaw ng iyong anak.

Sa kabila ng masamang reputasyon ng yugtong ito, hindi lamang pag-aalboroto at pag-ngawa ang kanilang ginagawa. Malawak na ang bokabularyo ng batang nasa 29 buwan development at madalas na nilang sinusubukang ipahayag ang kanilang sarili. Ibig sabihin nito, nagsisimula na silang maging madaldal at binibigkas na rin nila ang salitang “Ako” (“I” o “me” sa Ingles) bilang patungkol sa kanilang sarili.

29 Buwan Development at Paglaki: Nakakasubaybay ba ang Iyong Anak?

Pisikal na Paglaki

Nagsisimula nang umunlad ang motor skills ng iyong anak sa kanyang edad kaya normal lamang ang patakbo-takbo niya! Hilig na rin niya ang pagsayaw, pagtalon at iba pang-aktibidad na kasama ka. Nagiging aktibo na siya sa 29 buwan development kaya ihanda mo na ang iyong sarili, Mommy!

Payo sa mga magulang:
  • Tandaan na sa 29 buwan development ng bata ay palagi na siyang tatakbo sa paligid at susubukan ang limitasyon ng kanyang kalayaan. Kaya bantayan siya ng maigi habang pinapanatili pa rin ang iyong distansiya, upang maramdaman niyang kaya niyang gawin ang mga bagay nang mag-isa.
  • Ang mga galos at bukol ay normal lamang. Ito ay inaasahang mangyari sa ganitong edad at bahagi ng 29 buwan development ng bata.
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor:

Kung ang inyong anak ay masyadong maliit para sa kanyang edad o nahihirapang kumilos at walang koordinasyon, mas mabuting bumisita sa isang doktor upang makasigurado ka sa kanyang pisikal na paglaki.

Tandaan, ang genes ay mayroong papel sa pagtangkad at pagbigat ng iyong anak kaya mas mabuting iwasan ang sobrang pag-aalala kung sa tingin mo ay masyado siyang maliit para sa kanyang edad.

Image source: Flickr

Pagsulong ng Kamalayan

Sa estadong ito ng kanyang pagsulong ng kamalayan, mapapansin ang ilang senyales ng pagiging independent. Sa kanyang 29 buwan development ay magpupumilit na siyang magbihis ng kanyang sarili, uminom sa baso nang mag-isa, at iba pa. Maaari niyang maisuot ng isang damit na siya lang mag-isa.

May ilang bagay pa rin siyang hindi pa kayang gawin ng perpekto at asahan na ang pagiging makalat niya kapag kumakain, ngunit patuloy pa rin siyang hikayatin na magsarili dahil makakatulong ito sa pagpapahalaga sa kanyang sarili. Sa ganitong paraan, mararamdaman niya na kaya niyang kontrolin ang kanyang sarili at ang kanyang paligid.

Ang mga batang nasa 29 buwan development ay nagsisimula na ring magsiyasat sa kanilang mundo. Kapag may nakapukaw sa kanilang atensyon ay agad nila itong pupuntahan. Nagsisimula na rin silang maging mausisa sa mga bagay sa loob ng bahay, kaya makabubuting itago ang mga mapanganib na bagay sa lugar na hindi nila kayang abutin.

Mga Tips:
  • Hikayatin ang iyong anak na maging independent o mapagsarili. Kung nais niyang magbihis mag-isa o uminom nang mag-isa, hayaan mo siya. Ang pagbibigay-laya sa kanya habang bata pa ay makatutulong sa kanyang paglaki, kaya siguraduhing nahihikayat siya sa ganitong pag-uugali.
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Sa 29 buwan development ay normal lamang sa mga bata ang umaasa pa rin sa kanilang mga nanay at tatay. Gayunman, kung napapansin mong masyadong nakadepende sa iyo ang iyong anak o hindi niya ginagalugad ang kanyang paligid nang mag-isa, mas mabuting komunsulta na agad sa isang espesiyalista upang malaman kung may dapat bang ipag-alala.

Kakayahang Sosyal at Emosyonal

Una sa lahat, may dahilan kung bakit tinawag na “terrible twos” ang edad na ito. Ang ugali ng bata sa kanyang 29 buwan development ay malayo na sa dati niyang ugali noong mga nakalipas na buwan.

Sa estado ng pag-unlad ng inyong anak, mapapansin ang madalas niyang pag-aalboroto dahil na rin sa dumaraming kabiguan na kanyang nararanasan. Kadalasan ay nahihirapan silang unawain ang kanilang nararamdaman at hindi pa nila kayang ipahayag nang buo ang kanilang sarili sa atin.

At kung tungkol naman sa 29 buwan development ng bata, madali lamang silang pakalmahin hangga’t ikaw ay nananatiling kalmado at mahinahon. Ang mabisang paraan ng pagpapakalma ay ang pakikipag-usap sa iyong anak at ipinapaunawa sa kanya ang inaasahan mong dapat niyang ikilos.

Ang susi rito ay ang pagpapanatiling kalmado, mahinahon, at may malawak na pang-unawa kung bakit ganito ang ikinikilos ng iyong anak.

Nagsisimula na rin silang maging palakaibigan at halos lahat ng nakikita nilang kasing-edad nila ay itinuturing nilang kaibigan. Pero maging alisto ka sa kaligtasan ng inyong anak dahil hindi rin maganda ang sobrang palakaibigan ng mga bata. Maging mapagbantay sa kanila at baka makipag-usap sila sa mga taong hindi nila kilala at subukang makipagkaibigan sa kanila!

Mga Tips:
  • Iwasang sigawan o pagalitan ang iyong kapag sila ay nagdadabog o ayaw kumain.
  • Gawin mo ang buo mong makakaya upang manatiling kalmado at mapagpasensya.  Tandaan na “persistence is key”. Kausapin sila nang kalmado ngunit matatag at siguraduhing naiintindihan ng iyong anak ang ibig mong sabihin.
  • Hikayatin ang iyong anak na makipagkaibigan sa kanyang ka-edad.
  • I-enroll siya sa isang playschool para sa isang oportunidad na makasalamuha ang ibang bata.
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Kung mapapansin mong hindi mapigilan ang ugali ng iyong anak o kung nahihirapan siyang makipagkaibigan o makisalamusa sa iba, baka oras na para bumisita sa doktor. Mahalaga ang edad na ito dahil nagsisimula mo na siyang makitaan ng problema sa pag-uugali, kung mayroon man.

Development sa Pagsasalita

Pagtuntong ng 29 buwan development ng bata, marami ng alam na mga salita ang iyong anak at kadalasang kaya na niyang ipahayag ang kanyang nararamdaman kahit na nahihirapan pa siya. Sa edad na ito, dapat marunong na siyang kumilala ng kulay at pangalanan ang iba’t-ibang parte ng katawan.

May kakayahan na ring umunawa ng mga uri ng salita ang mga batang nasa ganitong edad. Naipapahayag na rin nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga salita kahit na hindi pa nila kayang bumuo ng kumpletong pangungusap.

Ito rin ang panahon kung saan nagsisimula nang magpakitang-gilas ang iyong anak sa ibang tao. Susubukan niya mismong magsimula ng pakikipag-usap! Kapana-panabik ito para sa mga magulang, lalo na’t ito ang yugto na makakausap mo na ang iyong anak at unti-unti na niyang naiintindihan ang mga salitang sinasabi mo sa kanya.

Mga Tips:
  • Kausapin ang iyong anak nang mas madalas. Gawin ito tuwing oras ng pagkain at ugaliing tanungin kung kumusta ang kanyang araw. Makakatulong ito sa upang ma-ensayo niya ang kanyang pagsasalita at mabuti rin itong paraan upang turuan siya ng mga bagong salita.
  • Subukan ninyong isama ang inyong 29 buwan gulang na anak sa usapan upang maramdaman niyang kasali siya.
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Kung nahihirapan ang iyong anak na umunawa ng mga salita o kung hindi gaano umuunlad ang kanyang bokabularyo na kahit ikaw ay hindi mo siya nauunawaan, mas mabuting dalhin mo na siya sa doktor.

Kalusugan at Nutrisyon

Sa 29 buwan development, ang iyong anak ay dapat na tumitimbang ngayon ng humigit-kumulang na 12.88 kgs para sa babae at 13.42 kgs naman sa lalake. Sa tangkad naman, ang babae ay dapat na nasa 89.66 cm ang laki habang 90.68 cm naman sa lalake.

Pagdating naman sa nutrisyon, marami ring kapansin-pansin sa 29 buwan development ng isang bata.

Nagsisimula na silang maging pihikan sa pagkain, lalo na sa mga gulay at prutas. Kung dati ay nagagawa mo pang hiwain nang maliliit ang mga gulay o prutas at ihalo ito sa kanin upang hindi nila ito malasahan, baka ngayon ay hindi na ito umubra. Ito ay nakaka-stress para sa maraming magulang dahil nagsisimula na silang mag-alala kung nakakakuha pa ba ang kanilang anak ng tamang nutrisyon. Gayunman, ang pagiging mapili sa pagkain ay natural lamang sa mga bata.

Sa mga bakuna, dapat ay mayroon ng bakuna ang iyong anak para sa bulutong, MMR, trangkaso, Hepatitis A at Hepatitis B. Kung may isa sa mga nabanggit na hindi pa nababakuna sa iyong anak, huwag mag-alinlangang komunsulta sa doktor.

Isa sa mga madalas na sakit na maaaring magkaroon ang iyong anak ay ang lagnat, na minsan ay may kasamang ubo at sipon. Sa kabuuan, wala kang dapat ipag-alala dahil ang mga ito ay karaniwang sakit ng mga bata. Ngunit kapag ang lagnat ay tumagal na ng isang linggo o higit pa, o kung hindi nawawala ang ubo’t sipon, dalhin na ang iyong anak sa doktor.

Ang iyong lumalaking anak ay nangangailangan ng ½ tasa ng kanin o isang hiwa ng tinapay, 1/3 tasa ng gulay o karne at 1/3 tasa ng prutas kada meal upang makatulong na mapabilis ang kanyang paglaki. Maaari mo rin siyang pakainin ng beans, mani at keso para sa karagdagang tulong sa paglaki.

Tandaan na ang gana sa pagkain ng iyong anak ay nagbabago kaya ang mga rekomendasyong ito ay nakadepende pa rin sa iyong anak.

Mga Tips:
  • Bahagi ng 29 buwan development ng iyong anak ang pagiging pihikan sa pagkain. Sa ganitong sitwasyon, nakabubuting habaan ang iyong pasyensya at bigyan ito ng oras. Ang pagpilit sa kanilang ubusin ang pagkain ay nagdudulot ng negatibong kaugnayan sa pagkaing kanilang kinakain. Baka lumaki silang iniuugnay ang masamang karanasan sa pagkain ng gulay at prutas na hahantong sa matinding pagkamuhi sa mga ito sa hinaharap.
  • Iwasan din ang pagbibigay ng maraming chichirya sa iyong anak at sa halip ay tumuon na lamang sa pagtiyak na nakakakain nang wastong pagkain ang iyong anak.
Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Kailangan mo nang komunsulta sa doktor kung bumababa ang timbang ng iyong anak, o kung madalas siyang tumatangging kainin ang mga pagkaing inihanda mo para sa kanya. Sa kanyang edad, maaari siyang magkaroon ng bulate at iba pang parasitiko sa katawan na dahilan upang mawalan siya ng gana sa pagkain.

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ Alonzo-Cruz

Source: WebMD

Ang nakaraang buwan ng iyong anak: 28 buwan

Ang susunod na buwan ng iyong anak: 30 buwan

The post Development at Paglaki ng Bata na 29 buwan appeared first on theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids.

Read Full Article

Read for later

Articles marked as Favorite are saved for later viewing.
close
  • Show original
  • .
  • Share
  • .
  • Favorite
  • .
  • Email
  • .
  • Add Tags 

Separate tags by commas
To access this feature, please upgrade your account.
Start your free month
Free Preview