Biyuda niratrat ng tandem
Abante Tonite
by Abante Tonite
14h ago
Dedbol ang isang biyuda matapos pagbabarilin ng umanoy riding-in-tandem sa harap ng kanilang bahay sa Barangay Libtong, Tagudin, Ilocos Sur noong Huwebes ng gabi. Kinilala ng Tagudin Police Station (TPS) ang biktima na si Flora Villamar, 59, ng nasabing barangay. Sa report, ayon sa TPS, bago ang insidente, nakikipag-usap ang biktima sa dalawa niyang anak sa harap ng kanilang bahay nang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ng mga hindi pa nakikilalang suspek. Sinabi ng pulisya, ang backride ng motorsiklo ang umano’y bumunot ng baril at nangratrat sa ginang. Nang makitang bumulagta ang target, tu ..read more
Visit website
Angeline inaabangan sa baby reveal
Abante Tonite
by Abante Tonite
14h ago
Marami ang nakapansin sa bagong Instagram video upload ni Angeline Quinto ng diumano’y halata na ang ‘bahy bump’. Kahit kami, ilang ulit din namin pinanood ang video. Pwedeng tumaba lang si Angeline. Pero iba kasi ang umbok ng tiyan niya. Mas naging kapansin-pansin pa dahil sa istilo ng kanyang suot na damit. Tingin namin, imposibleng hindi ito napansin ni Angeline na siguradong bago niya ini-upload ay inedit at pinanood muna. Kaya tingin namin, kung totoong buntis na nga siya sa second baby nila ng asawang si Nonrev, wala naman siyang planong ipakatago-tago ito. Maybe, yung timing lang ang hi ..read more
Visit website
DSWD sasalain mga jeepney driver sa ayuda
Abante Tonite
by Abante Tonite
14h ago
Nakahandang magbigay ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga jeepney driver na apektado ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Subalit sinabi ni DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group Irene Dumlao na kanilang bubusisiin muna ang mga pagkakalooban ng ayuda. “Ang DSWD ay nakahanda na magbigay ng tulong doon sa ating mga kababayan na maaapektuhan. Sa ngayon ay wala pa tayong natatanggap na impormasyon, but of course, kung mayroong lumapit at humingi ng request ito naman ay agarang tutugunan ng DSWD,” sabi ni Dumlao sa isan ..read more
Visit website
Sandy Cay sa Pag-asa Island nasisira na
Abante Tonite
by Abante Tonite
14h ago
Unti-unti nang nasisira ang Sandy Cay na bahagi ng Pag-asa Island sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa mga eksperto. Ipinahayag ito ni Dr. Jonathan Anticamara ng University of the Philippines-Institute of Biology matapos ang kanilang pag-aaral kung saan natuklasan na nasira na ang mga coral at nangamatay na rin ang mga isda at iba pang lamang-dagat sa lugar. Binanggit din ni Anticamar na posibleng dulot ito ng labis na pangingisda, climate change at pagtatayo ng isla sa WPS. Sinabi niya rin na dapat paigtingin pa ng pamahalaan ang pagbabantay at pag-aaral sa epekto nito sa reef biodiversity ..read more
Visit website
Manila inutos `car-less Sundays’ sa Roxas Boulevard
Abante Tonite
by Abante Tonite
14h ago
Isang ordinansa ang ipinasa ng Manila City Council na nagbabawal sa lahat ng uri ng motorized vehicle na dumaan sa north at southbound lane ng Roxas Boulevard tuwing Linggo simula Mayo 5. Sa ilalim ng naturang ordinansa, ipatutupad ang ban simula alas-singko hanggang alas-nuwebe ng umaga sa kahabaan ng Roxas Boulevard mula Padre Burgos Avenue hanggang Quirino Avenue. Ayon kay 6th District Councilor Salvador Philip Lacuna na siyang naghain ng ordinansa, ginaya ang ordinansa sa “car-free days” sa Paris, New York, at iba pang siyudad sa buong mundo at nasubukan na rin umanong gawin ito sa Makati ..read more
Visit website
7 na todas sa heat stroke – DOH
Abante Tonite
by Abante Tonite
14h ago
Nasa pitong katao na ang iniulat na nasawi dahil sa matinding init na nararamdaman sa bansa mula Enero hanggang Abril 29, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH). Base sa DOH, ang mga nasawi ay nakaranas ng heat stroke at atake sa puso dahil init. Subalit kinukumpirma pa rin umano kung ano talaga ang ikinasawi ng mga biktima. Kaugnay nito, umabot na sa 77 ang kaso ng mga nagkasakit dahil sa init na naitala ng DOH. Nabatid na 67 kaso nang naapektuhan ay pawang nasa edad 12 hanggang 21-anyos. (Juliet de Loza-Cudia) The post 7 na todas sa heat stroke – DOH first appeared on Abante Tonite ..read more
Visit website
Comelec ibabawal Digong, Sara palit modus sa eleksiyon
Abante Tonite
by Abante Tonite
14h ago
Magiging mahigpit na ang Commission on Elections (Comelec) sa pagtanggap ng mga substitute candidate para sa nalalapit na halalan sa Mayo 2025. Sa isang press briefing, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na kanilang pinag-aaralan na limitahan ang panahon ng pagpapalit ng kandidato para sa mga biglang magwi-withdraw ng kanilang certificate of candidacy (COC). Nabuo ang planong ito ng Comelec dahil sa mga nakaraang pangyayari kung saan may mga naghahain ng kandidatura subalit biglang binabawi ang kanilang COC at papasok naman ang substitute candidate. Matatandaang nangyari na ito sa ..read more
Visit website
South Korea pinabilis pa tourist visa
Abante Tonite
by Abante Tonite
14h ago
Nagsimula nang tumanggap ng mga aplikasyon para sa tourist visa ang Korean Visa Application Center (KVAC) sa Maynila sa pamamagitan ng koreo noong Mayo 1, 2024. Ang mga aplikanteng Pilipino ay maaaring magsumite ng kanilang tourist visa application form (C-3-9) at iba pang kinakailangan sa pamamagitan ng partner courier service ng KVAC na WExpress. Gayunpaman, ang mga aplikasyon ng visa ng mga hindi Pinoy at iba pang uri ng visa ay dapat pa ring personal na isumite sa KVAC o mga itinalagang ahensya sa paglalakbay. Ayon sa website ng KVAC, ang mga aplikanteng Pilipino ay maaaring pumunta sa pin ..read more
Visit website
Food stamp sagot sa kagutuman ng mga Pinoy
Abante Tonite
by Abante Tonite
14h ago
Ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na target ng food stamp program ng pamahalaan na tugunan ang food insecurity at gutom na kinakaharap ng mga Pilipino. Sa ilalim ng programang Walang Gutom 2027 na inilunsad noon pang Setyembre 2023, ang mga benepisyaryo ay makakatanggap ng electronic benefit transfer card na naglalaman ng P3,000 halaga ng food credits na binibigay kada buwan. Pero kinakailangan sumailalim ang mga benepisyaryo sa nutrition sessions bago nila matanggap ang card. Magagamit ang card sa pagbili ng pagkain sa mga tindahang accredited ng DSWD tulad ng ..read more
Visit website
1-kilong shabu nasilat sa sikyo
Abante Tonite
by Abante Tonite
14h ago
Matapos ang ilang buwang pagmamanman, naaresto ang security officer at nasamsaman ng aabot sa P6.8 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Caloocan City nitong Biyernes ng gabi. Kinilala ni Philippine National Police -Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Chief P/Lt. Col. Richard Ian Ang, ang suspect na isang alyas Sahibad, 35, residente ng Brgy. Potrero, Malabon City. Sa report, alas-11:45 ng gabi nang maaresto ang suspek ng mga operatiba ng PDEG SOU3 sa pangunguna ni P/Lt. Homer Guiamalon, kasama ang SOU-NCR at Caloocan City Police sa pangunguna ni P/Col. Ruben Lacuesta sa joint buy bust ..read more
Visit website

Follow Abante Tonite on FeedSpot

Continue with Google
Continue with Apple
OR